CHAPTER 55 *Manhid*
Demi Xeira
Akala ko naman babalik na kami sa dati, Yung pagiging magbestfriend namin. Pero hindi pala.
Pagkarating ko sa pinakabungad ng Gym.
Nakita kong may inaabot na pagkain si Alyssa sa kaniya.
Napatunganga naman ako nung nakita ko yung eksenang yun.
Balewala na pala tong dala kong cookies. Hahaha.
May nagbibigay na pala sa kaniya ng pagkain eh.
Ipakain ko nalang to kay JM.
Umalis na ako doon sa Gym, at naglakad na papunta sa mga study table doon.
Nakita kong nandoon pa rin si JM, Mukhang hinintay nga ata talaga niya ako.
"JM, Oh ikaw nalang kumain." Sabi ko.
Napatunganga siya.
"Bakit hindi niya ba tinanggap?" tanong niya.
Umiling ako.
"Hindi, Hindi niya tinanggap kasi hindi ko na binigay sa kaniya. May kasama kasi siya eh, Nakakahiya naman mang-istorbo." Sabi ko.
"Oh bat ka umiiyak?" tanong niya.
"Ha? Hindi naman."
"Eh ano yan?" sabay punas ni JM sa pisngi ko.
Oo nga umiiyak nga ako. Ano ba yan, Palagi nalang akong nasasaktan.
Nilabas niya yung panyo niya at ipinunas sa pisngi ko.
"Sa'yo na oh. Sa susunod na saktan ka pa nun. Ako na makakaharap niya." Sabi niya.
Tumango naman ako.
"Bakit kasi hindi ka pa umamin?" tanong niya.
"Ayoko pa, Hindi pa ako makahanap ng magandang tiyempo." Sagot ko.
"Atsaka, JM Babae ako, Ayoko namang ako yung mauunang magsabi ng nararamdaman ko sa kaniya."
"Paano kung yun nalang yung natatanging paraan?" tanong niya.
Napaisip ako.
"Edi gagawin ko na. Kahit na hindi niya ako magustuhan kahit na Ano nang kakalabasan." Sabi ko.
Ngumiti siya.
"Yan dapat, Wag kang malungkot. Maging matatag ka lang." sabi niya.
"Tara kainin na natin yan." Sabi niya.
Binuksan na nga niya yung tupper ware na dala ko, At isa-isa niyang nilantakan yung cookies.
"Sorry na Gutom lang." sabi niya sa akin sabay tawa.
Kung wala siguro si John Matthew ngayon siguro lagi akong Loner, Lagi akong malungkot, Laging nasa sulok.
Pero buti nalang andiyan siya, Andiyan siya para magpasaya sakin.
Andiyan siya para mapatawa ako, at higit sa lahat mabigyan ng lakas ng loob na makakaya kong harapin tong mga problema ko.
Nagpapasalamat ako kasi dumating siya.
Mayamaya biglang may tumakip sa mga mata ko.
"Gue---"
"Oy ibahan mo boses mo yung panglalaki."
BINABASA MO ANG
I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]
Teen Fiction• BestFriend - Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship - Karamay, Sandalan, Nagbibigay Payo, Tutulungan ka sa lahat ng Bagay, At Higit sa lahat hindi ka iiwan Ganyan ang MagBESTFRIEND. Pero paano kung: • Mainlove ka...