CHAPTER 52 *Maghintay Ka Lang*
Demi Xeira
Ilang araw na ang nakalipas mula nung nakita ko sila sa Cafeteria.
Hanggang sa araw-araw ko nalang silang nakikitang magkasama. San man ako mapunta nakikita ko sila.
Di ko alam kung tadhana ba yun? O sadyang sinasadya lang talaga.
Hindi na rin masyadong pumapansin sakin si Renzel.
Dahil busy na rin siya sa Practice at busy na rin siya kay Alyssa.
Ang sakit no?
Pero okay lang.
Okay nga ba.
Makakaya ko naman siguro to. Diba?
Matatag akong tao. Hindi ako nagpapatinag sa mga pagsubok kaya alam kung kaya ko to.
Hindi man bumalik yung dati naming pagkakaibigan, Kahit na magpansinan lang naman sana kami. Pwede?
Ang hirap kasi, Ang hirap mag-adjust.
Lalo na pag nakasanayan mo na na lagi siyang nasa tabi mo. Na siya yung lagi mong kasa-kasama.
Laging andiyan pag malungkot ka, Pero ngayon siya na yung nagiging dahilan kung bakit malungkot ako.
Yung dating kinokomfort ako pag malungkot ako, Siya na yung dahilan kung bakit malungkot ako.
Hays, Ang kumplikado na ng Buhay ko. Hindi naman ganito dati ang buhay ko eh.
May lumapit sa akin na kaklase ko. Kagrupo ko din siya sa Research activity nun.
"Oh? Malungkot ka ata Demi?" sabi ni Danica.
"Ah wala to." Sagot ko naman.
"Bat di na kayo nagpapansinan ni Carl? Wala na tuloy yung favorite Loveteam ko sa Room." Sabi niya sabay pout.
Di ako nakasagot agad.
Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko.
Dahil hindi ko naman alam kung anong dahilan at kung paano nagsimula ang lahat ng to.
"Ah hindi ko din alam eh, Bigla nalang ganun." Yan nalang ang naisagot ko.
"Naririnig ko nga na tinatawag niyang bestfriend si Alyssa eh, Eh diba ikaw yung LEGAL BESTFRIEND?" Sabi niya. Inemphasize pa niya yung Legal Bestfriend ha.
Pero totoo?
Tinatawag na ni Renzel si Alyssa na Bestfriend?
Teka. Parang di ata ako nainform na hindi na pala kami magbestfriend ni Renzel?
Parang ang dali naman ata niyang magpalit ng bestfriend?
Bat parang may nabasag sa may bandang dibdib ko?
Bat ganun? Bat ang sakit? Bat sobrang sakit naman ata?
Ganun nalang ba siya magpalit ng bestfriend? Kakalimutan yung dating bestfriend at maghahanap ng iba?
"Ah sige, CR lang ako ha?" sagot ko kay Danica.
Tumango naman siya, Lumabas ako ng room at pumunta sa CR na nasa likod ng Social Hall.
Hindi na ako tumakbo dahil alam ko namang kahit tatakbo ako, Tutulo at tutulo pa rin tong mga luha ko.
Hanggang sa ayun na nga. Tumulo na, Habang naglalakad ako pinupunasan ko nalang yung mga luha ko.
BINABASA MO ANG
I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]
Teen Fiction• BestFriend - Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship - Karamay, Sandalan, Nagbibigay Payo, Tutulungan ka sa lahat ng Bagay, At Higit sa lahat hindi ka iiwan Ganyan ang MagBESTFRIEND. Pero paano kung: • Mainlove ka...