CHAPTER 62 *Choices*

704 42 44
                                    

CHAPTER 62 *Choices*

Renzel Carl

"Mahal na mahal kita Renzel, Tandaan mo yan. Pero ngayon mukhang unti-unti nang nagbabago to."

Nagulantang ako dahil sa sinabi niya, Hindi. Hindi maaari na magbago na yung pagmamahal niya sa akin.

Pero dahil sa mga narinig ko, Mas naliwanagan na ako. Mas nabigyang buhay ako. Mas nagkaroon ako ng inspirasyon para gumawa na talaga ng move at effort sa kaniya.

Hindi ko alam pero, Nakita ko nalang ang sarili ko na naglalakad papunta sa kama niya.

Nakatitig lang siya sa akin, Parang inaalam niya kung anong gagawin ko. Nang makalapit na ako bigla ko siyang niyakap.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

Miss na miss ko na nga ang babaeng to.

"Hindi, Hinding hindi kita iiwan Xei. Ang ibig sabihin lang ng sorry ko, Ay para sa mga nagawa ko sayo." Sabi ko ng nakayakap pa rin sa kaniya.

"Kung iniisip mo na kagaya din ako nung mga nababasa mo, Hindi. Hindi ako magiging ganun Xei. Hindi kita pinaasa, Naghintay lang ako ng tamang tiyempo, ng tamang panahon para sabihin ko sa'yo tong mga nararamdaman ko. Nang magsimula nang lumalim yung pagkakaibigan natin, Doon ko na Realizena hindi pala hanggang kaibigan lang tong nararamdaman ko para sa'yo. Mas higit pa pala sa pagkakaibigan to."

Hindi ako nakatingin sa kaniya, dahil hindi pa rin ako bumibitiw sa pagkakayakap ko sa kaniya hangga't hindi ko pa nasasabi yung mga dapat kung sabihin.

"Oo, Xei hintayin mo lang mangyayari din sa atin yung lyrics na "I'm Lucky I'm In Love with my Bestfriend" sagot ko ulit.

"Hindi totoo yan Xei, nahulog na tayong dalawa sa isa't isa. Hindi lang ikaw, ako din. Hindi ko lang masabi-sabi sa'yo dahil ayoko ding masira yung pagkakaibigan natin."

Unti-unting nagfaFlashback sa utak ko lahat ng sinabi ni Xei sa akin.

Kaya itong mga sinasabi ko sa kaniya yung mga kasagutan sa mga sinabi niya sa akin.

"Alam mo bang hindi totoo yung sa amin ni Alyssa, Hindi totoong nililigawan ko siya. Sinabi ko yun sa'yo dahil ang alam ko magseselos ka, Magtatampo ka sakin. Pero wala palang effect yun sa'yo."

Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya, hinawakan ko siya sa magkabilang braso at nagsalita.

"Nung sinabi ko sa'yo na nililigawan ko siya, Nung okay lang pala sa'yo kung ligawan ko siya, Bigla akong nagsisi dahil sa mga sinabi ko sa'yo. Mali pala yung naging desisyon ko. Dapat pala hindi ko nalang sinabi. Kaya ito yung nangyari sa atin. Nagkalayo tayo sa isa't isa. Pinakiusapan ko pa si Alyssa nun na mag-Act na parang nililigawan ko nga siya buti nalang at pumayag. Kaya dahil din don, Lagi na kaming magkasama. Para mahalata mo na nililigawan ko talaga siya kahit hindi." Sabi ko sa kaniya.

Nakatingin lang ako sa kaniyang mata ng diretso.

Mukhang nakikinig lang din siya sa akin.

"Hanggang sa nakita ko nalang kayo ni JM na laging magkasama, Parang siya na yung pumalit sa akin, Nagsisi ako sa mga pinaggagawa kong desisyon dahil lahat mali. Dahil sa maling desisyon na yun naging magulo na yung pagsasama natin."

Niyakap ko siya ulit ng mahigpit yung sobrang higpit, Yung wala na talagang makakaagaw sa akin.

"Aray ko naman." Sagot niya.

"Ay sorry" sabi ko habang nakayakap pa rin sa kaniya.

Niluwagan ko na yung yakap ko, Kaya pinagpatuloy ko na ulit yung sasabihin ko.

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon