CHAPTER 66 *Pagpapaubaya*
Demi Xeira
Uwian na namin pero nandito pa rin ako sa school.
Nagtext kasi sakin kanina si JM na magkita daw kami sa Social Hall.
Nandito na nga ako eh, Siya nalang hinihintay ko.
Sa totoo lang wala pa naman talagang 5:30 napaaga lang talaga ako dito.
Hanggang sa nakita ko na papunta na siya dito.
Di ko alam kung saan siya galing.
"Saan ka galing?" tanong ko.
Tumingin lang siya sakin sabay ngiti.
"Yie, Concern. Doon lang sa room hinintay mag 5:30. Sorry ha? Hahaha!" sabi niya.
Natapik ko tuloy siya sa balikat.
"Joke lang." sabay niya pero nakangiti pa rin.
"Ano ba yung sasabihin mo?" tanong ko sa kaniya.
Umupo muna kaming dalawa sa bench.
Tapos tumingin siya sa akin.
Hinawakan niya yung dalawang kong kamay tapos hinaplos-haplos niya ito.
"Oh anong ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya.
Tumingin lang siya sakin tapos tumingin sa malayo.
Niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"B-bakit ma-may p-problema ba JM?" tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot bagkus mas hinigpitan niya yung yakap niya sa akin.
"Hayaan mo nalang muna ako sa gagawin ko Demi pwede?" tanong niya.
Tumango nalang ako, dahil sa hindi ko din naman alam kung anong nangyayari sa kaniya.
Kung anong problema niya.
Mga ilang minuto din ang nakalipas ng kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin.
"Demi, Uhm." Sabi niya.
Napatingin ako sa kaniya.
"Ano ba kasi yun?" tanong ko.
"Sana kahit anong mangyari magkaibigan pa rin tayo ha? Maging magCloseFriend pa rin tayo. Please Demi?" sabi niya.
Nakikita ko sa mga mata niya na may parang gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi sa akin.
Bigla nalang siyang ngumiti.
"Susuko na ako Demi." Sabi niya.
Anong susuko?
"Susuko na ako sa panliligaw." Dugtong niya.
Ha? Bakit?
"Susuko na ako, Alam ko naman na walang-wala akong laban kay Renzel. Alam ko naman na una palang siya na talaga yung mahal mo. Nakisawsaw lang ako dito sa istorya niyo." Sabi niya pero hindi naaalis yung ngiti sa mga labi niya.
"Mas lamang siya sakin Demi una palang. Gusto ko sanang sumugal eh, Gusto kong ipaglaban yung pagmamahal ko sa'yo. Pero para saan pa? Kung sa una palang talong-talo na ako."
Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga sinabi niya.
Tama naman kasi lahat. Mas mahal ko nga talaga si Renzel.
Parang kapatid at bestfriend lang ang turing ko Kay JM.
Mahal ko siya, Mahal ko siya bilang kaibigan lang.
BINABASA MO ANG
I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]
Roman pour Adolescents• BestFriend - Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship - Karamay, Sandalan, Nagbibigay Payo, Tutulungan ka sa lahat ng Bagay, At Higit sa lahat hindi ka iiwan Ganyan ang MagBESTFRIEND. Pero paano kung: • Mainlove ka...