CHAPTER 51 *Dati*

687 39 10
                                    

CHAPTER 51 *Dati*

Demi Xeira

Naglalakad na kami ngayon ni JM papunta sa Canteen.

Badmood na ako kaninang Try-out mas lalo pang na badmood ngayon.

Naiinis ako na Nagagalit, Na Nagseselos.

Argh! Gusto kong umiyak pero nahihiya ako kay JM.

Nakakainis kasi eh, Dapat ako yun eh.

Dapat ako yung kasa-kasama niya ngayon doon. At hindi si Alyssa.

Dapat ako yung nagbibigay ng tubig sa kaniya ngayon.

Dapat ako yung naghahawak ng towel niya.

Pero hindi na, Wala na. Si Alyssa na ngayon yung gumagawa nun.

Naiiyak ako. Hanggang Alaala nalang ba lahat ng yun?

Yung dati ako yung pinaghahawak niya ng cellphone niya.

Yung dati ako yung naghahawak ng tubig niya.

Yung dati ako yung naghahawak ng towel niya, Minsan nga ako pa nagpupunas sa pawis niya eh.

Yung dati siya yung lagi kong kasama sa tuwing Try-out o practice namin.

Yung dati Siya pa yung naghahawak ng bag ko, kasi alam niyang pagod ang Bestfriend niya sa practice.

Hanggang Yung Dati nalang ba ang lahat?

Hindi na ba mababalik yun?

Wala na kasi eh.

Nasira na dahil sa isang tao.

Nasira dahil sa isang taong dumating nang walang paalam.

Hindi naman ako nagagalit kay Alyssa eh.

Hindi naman niya yun kasalanan kung maganda siya.

Hindi naman niya kasalanan kung bakit nagkagusto sa kaniya si Renzel.

Wala siyang kasalanan.

Nakarating na kami ngayon sa Cafeteria. Nakaupo kami sa Isa sa mga table doon.

Nakatulala lang si JM sa akin, at ako naman nakatulala sa labas ng Cafeteria.

Naiiyak nalang ako sa tuwing naaalala ko yung dating kami.

Yung dating Closeness namin.

Na hindi ko alam kung Paano Ibalik.

Hindi ko alam kung babalik pa nga ba.

Naluha na nga ako ng tuluyan.

Nanlaki naman yung mata ni JM, Nagulat siguro siya kasi bigla-bigla nalang akong umiyak sa harap niya.

"Oh Anong problema?" tanong niya.

"Ah Haha! Wala, May naaalala lang ako." Sabi ko.

Ngumiti ako sa kaniya ng pilit.

"Napakamisteryoso mo talaga, Magkwento ka nga. Sino ba yan?" tanong niya sa akin.

Mapagkakatiwalaan naman itong si JM eh, Parang siya na nga yung pumalit kay Renzel.

Siya na kasi ngayon yung lagi kong kasama, Siya yung parang naging bestfriend ko.

Pero hindi pa rin niya mapapalitan si Renzel. Iba siya eh, Ibang iba.

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon