CHAPTER 46 *I Miss Him so Much*

759 39 13
                                    

CHAPTER 46 *I Miss Him so Much*

Renzel Carl

Papunta na kami ngayon sa Ospital nag-aalala ako kay Xei, Ano na naman ba kasing ginawa nun?

Di na naman ba siya kumain? -.- Naku naman oh.

Kasama ko ngayon si Alyssa.

Napagkasunduan na naming magiging malapit lang kami sa isa't isa pag nasa paligid namin si Xei.

Di ko alam kung tama ba tong ginawa ko. Pero wala eh, Nandito na to. Wala nang atrasan.

Tanga ko kasi eh.

Nang makarating na kami sa Ospital naglakad na kami papunta sa room ni Bespren.

Sabay kaming pumasok ni Alyssa sa room ni Xei.

Nakita ko naman siyang tumingin sa akin, sabay iwas ng tingin.

Teka ano bang problema niya?

Nagseselos ba siya kasi kasama ko si Alyssa?

Sana nga. Sana nagseselos siya, Pero hindi eh. Mukhang hindi.

Lumapit ako sa kaniya.

"Okay ka lang ba bespren?" tanong ko.

"Okay lang ako." Sabi naman niya sabay ngiti.

Namiss ko yung mgs ngiting yun ni Xei. Kailangan ko na bang magtapat?

Kailangan ko na bang sabihin sa kaniya tong nararamdaman ko?

Parang hindi pa eh. Hindi pa ako handa.

Next week na magsisimula yung Try-outs sa mga Sports. Next Next week naman ipapass itong Research Experiment na ginagawa namin.

Magiging busy na ako. Pano na yan?

Pag naging busy ako, Baka mapalayo na ng tuluyan yung closeness naming dalawa.

Dito pa nga lang sa pagpapanggap namin ni Alyssa. Mahirap na.

Paano pa kaya pag mas napalayo na talaga kami sa isa't isa.

Edi Sobrang Hirap na.

Bat ba ako nagkaproblema ng ganito?

Kasalanan ko din naman eh. Nagkamali ako.

Hindi ako nag-iingat sa mga sinasabi ko, Kaya imbes na mas mapalapit ako sa kaniya, Mas lalo akong napapalayo.

Mas malayong mapagtapat ko yung sa kaniya yung nararamdaman ko para sa kaniya.

Matapos kung kamustahin si Bespren ay nagpaalam na ako. Ipinaalam ko na ihahatid ko lang muna itong si Alyssa.

Andun naman si Jeruel eh.

Madami na akong kaagaw sa kaniya, Madami na akong Karibal.

Mas mahihirapan na naman ako nito. Pero kakayanin ko basta para sa Bespren ko.

Pagkalabas namin ng Room niya bigla akong sinuntok ni Alyssa.

"Oh para saan yun!?" tanong ko.

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon