CHAPTER 33 *The Letter*
Tumakbo na ako sa kung saan-saan.
Gusto kong mapag-isa, Gusto kong ilabas yung galit ko.
Bakit? Bakit mo siya kinuha? Ano bang kasalanan ka sa’yo?
Naging mabait naman akong anak, Oo, minsan nagkakamali ako pero humihingi rin ako ng tawad.
Pero ano? Bakit ganito? Bakit mo ginawa sa akin to? Bakit mo kinuha ang isa sa mga nagpapalakas ng loob ko.
Kung saan-saan na ako napadpad, basta ang alam ko lang ngayon, Masikip na Masikip na ang dibdib ko, Masama ang loob ko.
“Mommy ipangako mo sa akin na aalagaan mo ang sarili mo diyan. Wag kang mag-alala sa amin. Basta mommy, Manatili ka lang sa tabi namin.”
Iyak na ako ng iyak. Di ko nga alam kung may lumalabas pa na luha sa mga mata ko, Kasi naman mommy eh.
Ikaw lang, Ikaw lang yung hinihintay ko sa birthday ko, Pero bat ganito naman ang kinahinatnan?
Tumigil ako sa isang bench, Umupo ako at umiyak ng Umiyak.
Ang sakit, Ang sakit sakit. :’(
***
Naiburol na si Mommy, Heto ako ngayon at nakaupo sa harap ng kabaong niya, Hindi ko parin maisip na wala na siya, na hindi na siya babalik pa sa amin.
Ilang araw ko naring hawak ang sulat na ito, Nakalagay to sa regalo sa akin ni Mommy.
At hindi parin ako mapakali sa tuwing binabasa ko ulit ang sulat niya.
“Anak Happy Birthday, dalaga kana nga anak, Siguro marami nang nanliligaw sa’yo? Sana nga meron, Para makamove-on kana rin kay Gerald anak. Sana rin wag mong iwan yung bestfriend mo. Mahirap yun anak, Tsaka mahirap na rin makahanap ngayon ng totoong kaibigan. Alam ko yun anak dahil naranasan ko na.
Alam mo ba nung nagkaroon ako ng bestfriend? Siya yung laging andyan sa tabi ko, Siya yung laging andyan tuwing kailangan ko siya, Pero dumating yung panahon na pinagtabuyan ko siya, Sinaktan ko yung damdamin niya. Dahil lang sa namatay noon ang tita mo, Depressed na Depressed ako noon.
Hanggang ngayon hindi ko parin siya nahanap, Gusto ko sanang humingi ng tawad pero parang Ayaw ata ng tadhana na magkita kami. Kaya habang andyan siya pahalagahan mo siya, Wag mong gawin yung ginawa ko noon sa bestfriend ko.
Ingatan mo lagi yang sarili mo, Wala ako dyan para bantayan ka. Tandaan mo MAHAL NA MAHAL KITA, Kahit wala ako lagi sa tabi niyo, Tandaan niyo na andyan ang puso ko, Iniwan ko para bantayan kayo.”
BINABASA MO ANG
I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]
Teen Fiction• BestFriend - Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship - Karamay, Sandalan, Nagbibigay Payo, Tutulungan ka sa lahat ng Bagay, At Higit sa lahat hindi ka iiwan Ganyan ang MagBESTFRIEND. Pero paano kung: • Mainlove ka...