Chapter 19
The Reality
Althea’s POV
“Pwede ho bang bumili muna kayo ng gamot ni Mommy sa bayan.”
“Sige.”
Si Toby hinatid ko na sa California and then dito naman kami sa lugar kung saan lumaki si Mommy. Iniwan ko si Yaya para makasama niya. Si Tito Samuel ang laging nasa tabi ko ngaun. And it’s been a month. Umupo ako sa may bintana.
“Daddy, we miss you so much. I wish you were here.” It was peaceful here. Mas masaya dito kumpara sa Maynila. Pinikit ko yung mata ko para maramdaman yung hangin at ang huni ng mga ibon. Biglang sumagi sa isip ko ng magbakasyon kami dito dati. We built a tent and when night came kulang na lang hindi kami pakagat sa lamok. And then Daddy built a bonfire. Muntik na nga ding masunog yung tent nun. I can’t help to smile.
“Iha. Alam mo eto yung unang beses na ngumiti ka simula nung dumating ka.” Tumingin ako sa caretaker nitong bahay nila Mommy. Matanda na din siya at isa siya sa mga taong mapagkakatiwalaan ko. Isang anak lang kasi si Mommy. “Para bang puno ka ng problema.” I smiled lazily.
“Pwede po bang magkwento na lang kayo tungkol kay Mommy at Daddy?”
“Oo naman. Aba alam mo bang diyan laging nakaupo yung Mommy mo.”
“Ang alam ko po dito unang nagkita si Mommy at Daddy di po ba?”
“Aba oo. Ang akala ko nga di sila magkakatuluyan noon eh. Aba parang Romeo at Juliet kung baga. Pano kasi si.. Ah nakalimutan ko yung pangalan. Yung kapatid ng Daddy mo. Dapat kasi sila yung magkatuluyan.”
“Manang lumabas na kayo. Magluto ka na.” Parang may mali. Parang may iniiwasan si Tito.
“What is Manang saying?”
“It was.. ang totoo ang Tito mo ang fiancée ng Mommy mo pero ang Daddy mo ang pinili ng Mommy mo.”
“Ah ganun po ba? Ngaun ko lang nalaman yun.”
“Sige na. Magpahinga ka na.”
“Sige po.” Is there something wrong? O hindi na talaga ako marunong magtiwala? Pero si Tito Samuel na lang ang nasa tabi ko.
Pagkatapos noon, nagpunta ako kay Mommy. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Lumuhod ako sa harap niya.
“Ma, bakit hindi mo sa akin sinabi Mommy?” May tinatago ba kayo? Kaya ba nangyari yung lahat ng ito? Hindi lang dahil sa pera? “ Don’t worry Mommy. I will take care of you and Toby.” Tumulo na naman yung mga luha ko. Niyakap ko na lang si Mommy.
***
Nasa sala ako at nanunuod ng news.
“Ang successor na si Althea Louise Montenegro ng Montezor family pagkatapos na mawala ng kanyang ama ay hindi pa nagpapakita at-“ Pinatay ko na yung TV. Maya maya kinuha ko yung cellphone ko. Naalala ko yung nagyari sa ospital.
Bago ako umalis para puntahan yung lugar kung saan naaksidente sila Mommy. Kinuha ko yung cell phone ko and I noticed na may voice message ako mula kay Daddy.
“Anak? Bakit di ka sumasagot?” It was the time siguro na nagluluto kami nila Tita. I’m sorry Daddy. “Anyway its alright I think you’re having fun. I like it the most when you are laughing and smiling. Pauwi na nga pala kami ng Mommy mo at—“ There is a paused there na parang nawala yung kausap mo. Tinignan ko yung cell ko pero hindi pa naman tapos yung message. “Magiingat ka anak palagi. May mga taong hindi natin alam kung ano yung kayang gawin. I have something to tell you about you’re Tito. Just be strong. Always. Parating na kami ok?”
BINABASA MO ANG
My Hidden Identity
Teen FictionI am Althea Louise Montenegro. I have my Mom, Dad and my super kulit na younger brother. He was 2 years younger than me. In people's eyes I am just a dummy, and an ugly woman.... including him. He is a genius, very handsome and has a good family b...