Chapter 24 Honeymoon?

7.2K 112 8
                                    

Chapter 24

Honeymoon?

Althea’s POV

Gusto ko siyang itulak pero ayaw gumalaw ng katawan ko. Ayoko ng pakiramdam na to. Pero I can’t resist but to kissed him back. Alam kong galit ako sa kanya. Pero hanggang dito na lang ba. Niyakap niya ko ng mahigpit.

Ring Ring Ring

Para akong natauhan. Humiwalay ako sa kanya agad. Hindi ako makatingin sa kanya. Sinagot ko na lang yung phone ko. Unknown number. Sino kaya to?

“Hello? Hello??” Pero si siya sumasagot. Hinintay kong sumagot siya sandali pero wala talaga kaya. Binaba ko na yun. Humarap ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin. “Matutulog na ko.”

“Ok matulog na tayo.” Pinatay niya yung TV.

“Tayo?” Pumunta na siya sa kama. At pumikit. Parang tuwang tuwa siya ngaun. Dahil sa pagod ako, wala na kong lakas na makipagaway pa sa kanya. Tumabi na lang ako sa kanya, but there is enough space para di kami magkatabi. Malaki naman kasi yung kama. Nahirapan akong makatulog dahil sa naiisip ko pa rin yung kanina. Buti na lang may tumawag. Maya maya nakatulog na din ako.

Kinabukasan

TOK TOK TOK

Minulat ko yung mga mata ko. Yakap ako ni Yuan. At magkaharap kami ngaun. Nagising na din siya. “Good Morning.” Sabi niya. Sabay halik sa noo ko. OoO “Nakatulog ka ban g maayos?” Sa gulat naitulak ko siya at nahulog siya sa kama. “Aray. Bakit mo ko tinulak.”

“Eh bigla bigla kang nanyayakap.”

“Eh asawa na kaya kita.”

Ahh nakalimutan ko nga pala. “Ah SHIRO!!!”

“Ayaw mo? Ng ano?” Nakalimutan ko nakakaintindi nga pala siya ng Korean.

“Buksan mo na yung pinto.” Tumayo naman siya. Pagbalik niya kasama na niya yung isang attendant at may dalang breakfast. Inayos niya yun sa table. Pumasok naman si Yuan sa banyo. Pagkalabas niya pumasok naman ako para mag toothbrush. Paglabas ko. Nakaupo na siya sa table at nagbabasa ng newspaper. Nakita kong nasa front page yung kasal namin.

“Bagay talaga tayo oh.” Sabay turo sa litrato namin. “Don’t worry, you’ll going to smile and laugh again.”

“Kumain ka na lang.”

“Magdate tayo sa states ok? Alam kong hindi kita naligawan dahil sa nagpakasal tayo agad.”

“Ayoko.”

“Thank you for agreeing.” Kumain na lang kami. Pagkatapos naligo at sinuot yung dress for graduation.

“Al, can you help me in this?” Sabay turo sa neck tie niya. Lumapit ako sa kanya at inayos yun. “Ang sarap ng may asawa.” Sabi niya na pabiro. Pero nalungkot naman ako dahil sa may naalala ako. “Why?”

“I always do that to Daddy.” Bigla niya kong niyakap.

“So from now on ako na yung maaalala mo sa neck tie. Let’s go.”

“Ok. Just let go.” He stared at me. “Hindi ganung kadaling kalimutan lahat Yuan.” Nauna na kong lumabas ng bahay.

 Pumunta na kami sa school. Napakadami na ding tao. Nakita ko sila Tita, Toby, Sofie, Tito at Mommy sa Parking lot. Pumunta agad ako sa kanila. At binati sila. Nagpunta na kami sa convention. Pero sabi ko ipapasyal ko muna si Mommy sumama naman si Toby sa akin. Susunod daw si Yuan.

“Toby ok ka lang ba don? Just make sure to call me if you need something. And sabihin mo na lang din kay Manang.”

“Ok. Ate. Pero si Alice nahihirapang makaadjust.”

My Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon