Chapter 2 The Playboy

10.9K 227 8
                                    

Chapter 2

The Playboy


Althea’s POV

Tumalikod ako. Parang bigla na lang kasi akong maiiyak dito eh. Pero bago pa ako makaalis-

“Thea.” Sage. Huminga ako ng malalim at started acting like I don’t see anything.

“Oh Sage, Yuan.”

“ Kanina ka pa?”

“Ah di napadaaan lang ako. Hinahanap ko kasi si Yuan.” Inabot ko kay yuan yung lunch box. Balik na naman siya sa pagiging cold guy. Tinignan lang niya yun.

“Ah aalis na ko. Usap muna kayo.”

“Bakit ka aalis Sage? Sabay na tayo.”

“No. May gagawin pa ko sa org.” Then she left before smirking at me.

“Di ba sinabi ko na sayo na wag mo na kong dalan niyan.” I just smiled at him.

“Ano ka ba? Alam kong di ka kumakain ng food sa cafeteria. Eto oh.Favorite mo to. Omurice.” Aktong susubuan ko na siya.

“Ayoko sinabi.”

“Sige na isa lang. Ahh.”

“Ayoko sabi.” Bigla niyang naharang yung kamay ko kaya dumapon sa damit niya yung ketchup at yung omurice. “Ano ba?!!! Tatanga tanga kasi eh. Bakit ba napakadesperada mo? 2 years na. 2 years ka ng sunod ng sunod sa akin. Di nga kita gusto. At kahit kailan di mangyayari na magustuhan kita.” Tinignan ko yung natapon na pagkain. Pinupunasan niya yung damit niya. Napansin niya siguro na di ako nagsasalita kaya tumingin siya sa akin.

“Bakit ka umiiyak??”

Then I left.


Cole’s POV

I’m Cole Saavedra. I’m a transferee. Nasa last section din ako. I’m taking my nap ng may marinig akong umiiyak. It was not a scandalous one, but it was gentle cry.

“I hate you. I hate me more!!!!!”

Ano daw? Hate you? Tapos hate me more?? One heartbroken girl again??? I think she needs me. Ang taong pasasayahin lahat ng babae dito sa mundo. And take note no one can resist me.

“Hi. Why are you crying beautiful lady???” Nagulat pa siya nun. Ng tignan niya ko. Nagulat ako.

“You remind me of someone.” Kung di lang siya ganyang gumet up. So old fashion. “Ehem. Do you need me? I’m very much available. Para pasayahin ka.” Then I chin up. Very proud of myself dahil may pagyayabang naman ako. Ok. This is the time na dapat yayakapin na niya ko.

My Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon