Pecado 29

22 14 0
                                    


Naka ngiting kumaway siya sakin ng bahagya samantalang ako ay tila ba tinulos ako sa kinatatayuan ko sa tawid na kalsada. Nalimutan kung bakit nga ba ako naka tayo dun at anong iniintay ko. Tanging sakanya lang talaga naka tutok ang mata ko kaya nakita ko rin siyang tumingin sa kaliwa't kanan niya bago tumawid sa kalsada papalapit sakin.

Huli na ng ma-realize ko na dapat pala ay nag madali na akong kumuha ng tricycle na masasakyan para maiwasan siya dahil ayoko mang tanggapin ay sigurado akong kaya siya nandito ay dahil sakin.

Pero bakit? Hindi pa ba malinaw ang sinabi ko sakanya nung gabing nasa clubhouse kami ng bahay nila Jonas? Hindi ba at sinabi ko sakanyang may asawa na ako, malinaw yun at yun pa ang dahilan bakit hindi kaagad siya nakapag salita.

Pero bakit ngayon nandito siya sa harapan ko at tuwang tuwa na naka ngiti sakin?

"Hi! Thank goodness naabutan kita rito. Akala ko mag kakasalisi na naman tayong dalawa." Bungad na sabi niya sakin pag katawid na pag katawid niya.

Samantalang ako ay nandito pa rin sa kinatatayuan ko at hindi maka paniwalang nandito siya.

"Hey! Are you okay? You look fine to me, but i don't think yung mukha mo para kang nakakita ng multo." Biro niya pa bago bumaling sa kabila na para bang alam kung ano ang hinihintay ko dun.

"W-why... W-why are you h-here?" Nauutal na tanong ko sakanya hindi pa rin maka bawi sa gulat na nandito siya sa harapan ko ngayon at naka titig sakin na para bang alien ako.

"Because i want too?" Biro niya ulit at pagak na tumawa siya kaya naman sineryoso ko ang mukha ko dahilan bakit siya napatigil sa pag tawa.

"I'm here for work okay? And also... I heard from Ava na nag punta ka rin dito kaya nag babaka sakali lang ako na makita ka rito and hindi nga ako nag kamali at nag kita nga tayo ngayon."

"And why are you here for me? I told you in Perez house that i have a husband and i'm a married woman so why follow me here?"

Para bang hirap na hirap siyang sabihin ang gusto niyang sabihin sakin dahil ibubuka niya ang bibig niya pero ititikom niyang muli bago ihihilamos ang palad sa mukha. Huminga pa siya ng malalim at bahagyang pumikit bago dumilat muli at tinignan ako ng seryoso.

"I'm here for you because i believe that our conversation in Jonas house is not yet over." Ako naman ngayon ang napatigil at pagak na tumawa sa sinabi niya.

"Are you out of your mind? Hindi ka na ba makaintindi? Emil i have a husband! Kasal ako and what we did is wrong kaya sinusubukan kong itigil at itama then you... You fly from Manila to here for what just to see a married woman?! Your super unbelievable." Iritang saad ko sakanya pero parang wala lang sakanya yun kaya naman mas lalo akong nainis.

"I came because i want to propose something to you. And for me your just Akiko. Akiko Korazon without a husband."

"You are really unbelievable Emil." Suko na saad ko bago ibinalik ang tingin sa kalsada at nag hintay ng tricycle na madaraan para naman maka alis na ako rito pero parang mas pabor ata ang panahon kay Emil dahil kahit niisa wala talagang nadaan at kung may nadaan may ay puro punuan naman.

"Ayaw mo bang marinig ang proposal ko para sayo?" Tanong niya sakin pero hindi ko siya pinansin.

"You really don't wanna know? Sure na yan?"

"Just... Shut up Emil..." Mahinang saad mo hindi alam if narinig niya ba or hindi.

"Let's continue the pretend boyfriend and girlfriend thing you started years ago. Remember hindi pa tayo hiwalay so that makes me your boyfriend until now."

Amar De Nuevo ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon