Pecado 8

30 22 0
                                    


"Saan ba kasi tayo pupunta? Baka mamaya pupunta lang kayo sa mga boyfriend's niyo sinama niya pa ako mag cutting." Saad ko kina Jonas Perez at Anton nandito kami ngayon sa kotse ni Jonas at nabiyahe ngunit hindi ko alam kung saan kami patungo.

"Pupunta tayo kanila Akiko." Sabi pa ni Anton sakin.

"Huh? Bakit?"

"Ilang araw na kasi siyang hindi napasok, nag tataka na yung adviser nila sa journalism at hindi rin daw ma-contact, at hindi ko rin siya ma-contact."

"Natawagan mo na ba yung magulang niya?"

"Oo, hindi rin nila sinasagot ang tawag ko busy ata sila." Nang tumingin naman ako sa labas nakita kong daan ito sa San Gabriel papunta sa Ilaya. Sa Ilaya dalawang nag lalakihang pamilya lang ang naka tira dun ang mga Korazon at mga Ocean.

Ang ilaya ang pinaka malayo at pinaka dulo ng San Gabriel, kasunod ng ilaya ay Trinidad ang sumunod na bayan. Ang ilaya ang pinaka tahimik na lugar dito sa San Gabriel, malawak na lupain kasi ito ng mga Korazon at Ocean at karamihan sa mga iba pang naka tira dito ay mga trabahador lang ng mga nasabing pamilya, puro lupain lang ng mga bulaklak at lupain ng mga taniman.

Halos isang oras din ang biyahe namin ng makarating kami sa bahay ng mga Korazon dito sa ilaya. Dito pa lang sa labas mala mansiyon na ang bahay ng mga Korazon at ang bahay nila ay napapalibutan ng mga bulaklak na iba iba ang mga kulay.

Nang makababa kami sa kotse ay kaagad din namang nag doorbell si Anton. Bumukas din naman ang pinto at bumungad samin ang isang lalaki na ang mga edad siguro ay nasa trenta na.

"Ano pong kailangan nila?" Tanong pa nito samin.

"Ako po si Anton, kaibigan po kami ni Akiko hindi po kasi namin siya nakikita sa school kaya pinuntahan namin dito, wala po kasi sa apartment niya kaya nag baka sakali kami na nandito siya." Saglit na tumahimik bago nag salita yung lalaki.

"Tuloy po kayo." Nang makarating kami sa sala nila bumungad sami ang isang lalaki na nasa bandang forties na ang edad at babae na nasa thirties pa lang. Napalingon naman sila samin.

"Anton hijo, buti at napadalaw ka! Help us! Si Akiko kasi ayaw lumabas ng kwarto niya!" Pasumbong na saad pa nung lalaki na sigurado naman akong tatay ni Akiko.

"Oh! Kasama mo pala ang mga kaibigan mo! Upo muna kayo." Umupo rin naman kami at nakinig sa sinabi ng tatay ni Akiko.

"Si Akiko kasi halos mag iisang linggo na ring hindi nalabas ng kwarto niya! Nag aalala na kami."

"Kailan pa po siya nagka ganyan Tito?"

"Simula nung umuwi siya galing daw dun sa over night party nung kaibigan niya, Jonas Perez pangalan e."

"Oh my gosh! It's me Tito dear! I'm Jonas Perez! But I swear! Walang lason ang mga foods namin dun."

"I know, it's just ayaw niya lumabas, she said she's fine but hindi ako mapakali buti at dumating kayo I need your help, tara sa taas." Umakyat naman kami sa itaas at sa may dulo ng pasilying ng pangalawang palapag kami dinala ng tatay ni Akiko.

"Akiko dear, your friends are here! Sila Anton nandito para dalawin ka open the door please." Pahayag pa ng step mother ni Akiko, maya mqya lamang ay nag salita si Akiko mula sa kabilang bahagi.

"I told you that I don't need my friends right now! Please mi! Tell to Anton that next time na lang sila pumunta! Or tell them tatawag ako mamaya."

"But dear, kanina pa sila nandito, lumabas ka muna diyan at harapin sila, please dear."

"Mi, please just go away." Sumusukong tumingin naman samin ang step mother ni Akiko at umalis.

"Honey, ayos ka lang ba diyan?" Tanong pa nung father ni Akiko.

Amar De Nuevo ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon