Pecado 22

18 17 0
                                    


"Can we just pretend to be like girlfriend and boyfriend hanggang sa matapos ang one week vacation natin?"

I was stunned when she asked me that question. I really don't know what to say.

"W-why?" Nanginginig na tanong ko sakanya kaya natawa siya dahil sakin. Nahawak pa siya sa tiyan niya sa lakas niyang tumawa.

"I'm sorry, i can't help it to burst out of laugh. Para ka kasing takot na takot sakin nag tanong lang naman ako." Sabi niya sakin matapos niyang tumigil sa pag tawa.

"So ano na payag ka ba sa favor ko?" Seryoso na muling tanong niya. I cannot really believe this girl kanina lang tawa siya ng gawa tapos ngayon back to being serious na ulit siya.

"Bakit nga kasi?" I asked her again. Nagulat lang talaga ako hindi kasi mag process sakin na gusto niyang maging mag girlfriend and boyfriend kami then what's next pag katapos ng one week balik na ulit sa dati?

"Hindi ba pwedeng gusto ko lang ang reason?"

"Hindi pwede kasi magulo."

"Magulo ang alin?"

Paano ko ba to sasabihin sakanya?

"B-basta! Magulo!"

"Mag pre-pretend lang naman tayo for one week pag katapos nun ayos na hindi ko naman sinabi na jowain mo ako habang buhay."

"Bakit ba kasi need pa natin mag pretend tapos one week lang?" Ungot ko sakanya that's when i realize na parang maling tanong ang naitanong ko.

"Bakit? Gusto mo ba ng higit pa sa one week? Ikaw ah!" At nag simula na siyang asarin ko ng asarin hanggang sa pumayag ako na maging pretend boyfriend niya ako.

Nag lakad lang kami sa may tabing dagat at ng napagod kami sakto at tanghali na rin naman ay bumalik kami sa bahay ng auntie ni Jonas. Pag balik namin dun wala pa sila Jonas at Anton kaya kami lang ang kumaing dalawa ni Akiko sa may hapag.

Sabi kasi nung katulong kumain na raw yung auntie ni Jonas kaya nauna ng umakyat sa itaas at nag pahinga.

We ate silently then after that we decided na mag stay na lang muna rito sa house ng auntie ni Jonas at sa hapon na lumabas ulit. Tirik na masyado ang araw sa labas dahil tanghaling tapat na.

Nag punta ako sa kwarto namin rito nila Jonas. Pag pasok ko nandun na yung mga gamit namin. Kinalkal ko ang bag ko bago inilabas ang camera na dala dala ko. Mukhang magandang kumuha ng pictures mamayang hapon maganda ang mga view rito tapos iinggitin ko sila ate.

Nilibot ko ng tingin ang kwarto namin well, it's beautiful. A Victorian house means Victorian Room. Good thing may balcony rito kaya naman nag lakad ako papunta sa pinto kung nasaan ang balcony at binuksan iyon.

Bumungad sakin ang malakas na buga ng hangin na nag mumula sa dagat. Sumandal ako sa railings at tinanaw ang dagat mula rito sa kwarto.

At dahil nga tanghaling tapat konti lang ang nakikita kong naliligo sa dagat at malapit sa dalampasigan. Ni hindi ko nga rin makita sila Jonas at Anton nasan na kaya ang dalawang yun? Bigla bigla na lang mawawala.

Habang naka tingin ako at nag try kumuha ng litrato ng dagat narinig ko ang pag bukas ng pinto ng kwarto kaya napalingon ako, nakita ko si Akiko na dahan dahang nag lalakad papalapit pero ng lumingon ako ay napatigil sa pag hakbang dahil nahuli ko siya.

"Ano ba yan! Bakit ka lumingon kaagad?" Ungot niya bago nag lakad papalapit sakin at sumandal rin sa railings at tinignan ang dagat.

At dahil nga napapayag niya na ako sa gusto niyang pretend girlfriend and boyfriend thing bago kami umuwi mag girlfriend and boyfriend na kami ngayon.

Amar De Nuevo ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon