Pecado 1

54 27 0
                                    


Kung liligaya ka
Sa piling ng iba
At kung ang nais mo ay ang pag ibig niya
Tututol ba ako?
Sa kagustuhan mo?
Sapat na ang minsang minahal mo ako

Nagising na lamang ako sa ingay ng radyo ni Aling Tonya na abot hanggang dito sa taas ng bahay. Ang radyo ni Aling tonyo ang pampagising namin. Dahil pag binuksan niya pa lamang ito buong bayan ng San Gabriel gising sa lakas nitong tumugtog.

Pag bukas ko ng pinto ng silid mo naabutan ko si ate Jopay na nag wa-walis dito sa ikalawang palapag ng bahay. Naka sanayan na ni ate Jopay ang pag wa-walis sa bahay bago pumasok sa school.

"Magandang umaga Emil." Naka ngiting bati sakin ni Ate.

"Magandang umaga rin sayo ate." Bati ko bago nag lakad pababa sa hapag kainan kung saan malamang nandun na sila mama.

"Oh! Agang aga naka busangot ang Bunso namin!" Saad ni ate Lily ng magka salubong kami sa hagdan na kasunod naman si Lome.

"Hindi ka pa ba sanay diyan? Lagi namang naka simangot yan." Pahabol pa na pahayag ni ate Lome bago nag patuloy sa pag akyat.

Nang maka baba naman ako at dumiretso sa hapag na abutan ko ang mga nakaka tandang nag uusap patungkol sa balitang napanood namin kagabi bago mag hapunan. Napansin naman ako ni mama na naka tayo sa hamba ng pintuan kaya naman nag tuloy tuloy na ako sa pag pasok sa kusina.

"Emil, halika na kumain na tayo lumalamig na ang mga pag kain." Pag aaya ni mama bago ako Maupo sa upuan.

"Maayos ba ang naging tulog mo anak?" Tanong ni mama habang sinasandukan ako ng kanin.

"Hmm." Tipid na sagot ko sakanya. "Nasaan sila Ate? Hindi ba sila sasabay sating kumain?" Pag tatanong ko sakanila.

"Ayun si Lome at Lily ay kanina pa kumain at maaga daw na aalis samantalang yung ate Jopay mo naman mag lilinis daw muna siya sa taas."

"Nasaan na si ate Anne?" Muli kong pag tatanong.

"Hindi pa nauwi, pauwi pa lamang ngayon galing sa bording house niya malapit sa school niyo."

At muli na ulit silang nag usap patungkol sa mga kung ano anong bagay at mga balitang napanood at napapanahon ngayon.

Hindi ko pa tuluyang nagagalaw ang pag kain ko ng makarinig ako ng busina sa labas ng bahay at sila mama naman ay napa hinto sa pag uusap. Kaagad din naman akong tumayo sa pagkakaupo at mag sisimula na sanang mag lakad ng marinig mo ang pag tawag sakin ni Papa.

"Hijo saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos kumain?"

"Nandiyan na po si Jonas, may usapan po kami na maagang papasok may gagawin po kaming project sa isa naming subject."

"Hindi mo pa halos nababawasan ang almusal mo hijo."

"Dun na lang po ako sa school kakain ma."

"Siya, bueno lumakad ka na at baka naiinip na yang kaibigan mo sa labas." Sagot ni Papa bago ako tuluyang lumabas ng bahay.

Sa labas ng bahay namin ay nandun ang kotse ni Jonas Perez na pinaka matalik kong kaibigan. At pinaka baklang nakilala ko sa bayan ng San Gabriel.

"What the fuck bitch? Ano ka nag mo-moon walk? Ang bagal ng kilos ha! Dinaig mo pa pagong sa bagal mo mag lakad."

Simula ng mag high school kami, si Jonas Perez na ang kinilala kong matalik na kaibigan. Nag kakilala kami noon sa canteen parehas kaming walang kasama kaya kami na madalas ang mag kasama. Minsan ay natutukso na nga lang kami sa isa't isa na sobrang nakaka diri gusto mong masuka. Pero hindi naman talaga totoo na may gusto kami sa isa't isa. Kadiri lang. May mga boyfriend's siya. Yes! Pero hindi ako kasama dun.

Amar De Nuevo ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon