Pecado 21

20 17 0
                                    


Bakasyon na rin sa wakas, matapos ang pag hihirap namin bilang first year college, sa susunod na year naman kami mahihirapan.

Dahil puro naman kami bakasyon na at tapos na ang graduation ni Ate Anne nag pasiya sila mama at papa na mag bakasyon kami sa ibang bansa para madalaw dun ang iba naming makamag anak.

Mukha pa nga silang nag babalak na mag punta sa California dahil nandun karamihan ang mga tita at tito namin. Samantalang eto naman sila Jonas nag aayang mag bakasyon daw kaming mag tro-tropa. If i know gusto lang nila akong kausapin ko si Akiko dahil sawa na sila sa iwasang nagaganap saming dalawa.

Bumalik na ako sa pag sama sakanila but hindi lang pala ako ang umiiwas dahil si Akiko rin pala ay umiiwas sakin.

One time na naabutan namin silang dalawa na nakain ni Anton ng makalapit kami sa table nila at sinabi naming makiki upo kami bigla na lang tumayo si Akiko at sinabing tapos na siyang kumain kahit ang halos hindi niya pa nababawasan ang pagkain niya.

Sinubukan nilang itanong kung anong meron saming dalawa at bakit kami nag iiwasan pero hindi ko sinagot. Sa tingin ko ay hindi rin naman nag sasalita si Akiko kaya hindi rin ako nag sasalita about sa na pag usapan namin.

Ayoko namang malaman nila na nag se-sex kami ni Akiko habang may girlfriend pa ako at nalaman ko na kaya pala siya nakikipag sex sakin dahil gusto niya lang bumawi kina Seirra at Jason.

Ayoko namang masira ang tingin nila samin, mas mabuti na siguro na kami na lang ang nakaka alam.

Tahimik ako na nag aayos ng gamit ng maka receive ako ng text mula kay Perez na sumama na raw ako sa bakasyon nila sa vacation house nila Jonas sa Cebu.

Gusto ko talagang sumama sakanila, kahit alam ko na kasama si Akiko. Pero hindi ako sigurado if papayagan ba ako nila mama, pwede namang sumunod na lang ako sakanila sa California alam ko namang saglit lang din kami dun sa cebu kung sakali.

Kaya kahit may doubt na hindi ako papayagan nag tuloy tuloy pa rin ako sa kwarto nila mama para mag paalam.

Nang makarating ako sa tapat ng kwarto nila ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Saglit lang ay naka rinig ako ng yabag at pag bukas ng pinto iniluwa nun si Mama na naka ngiti habang nag hihintay ng sasabihin ko.

"Mag papaalam sana ako..." Panimula ko.

"Mag papaalam para saan anak?" Takang tanong niya.

"Jonas... Nag aya siyang mag bakasyon kami sa vacation house nila sa Cebu..."

"And?" Taas kilay na tanong niya sakin.

"And i would like to join them in that vacation if ever na papayagan niyo ako."

"It's a no." Firm na sagot niya bago bumalik sa pag aayos ng mga damit na nasa kama at nakita ko si Papa na nakaupo sa kama habang may hawak na libro at nag babasa.

"But one week lang naman yun! Susunod rin naman ako sainyo sa California niya if ever na maagang natapos ang bakasyon namin na yun sa--"

"Emiliano Quijano, I already made up my mind and it's a no. Wag ka ng mag salita dahil hindi pa rin ang sagot ko."

"Ma!" Angal ko at pumasok sa kwarto nila at umupo rin sa kama habang busy siya sa pag lalagay ng mga damit sa maleta nila Papa.

"Ma! Ngayon lang kami nag karoon ng bakasyon kasama mga kaibigan ko!"

"Emil! Ano ka ba! Pupunta tayong California dahil namimiss ka na ng mga tita at tito niyo lahat kayong mag kakapatid, kaya mag ba-bakasyon ka dun."

"Isang linggo lang kami sa Cebu pag katapos nun susunod na ako sa California ma! Naka bili na ng ticket si Jonas papuntang Cebu nakakahiya naman if hindi ako sasama." Which is true, naka bili na nga ng ticket si Jonas kakasabi niya lang sa text niya sakin para hindi daw ako maka tanggi.

Amar De Nuevo ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon