Sometimes, no all the time i don't really understand girls. They would say na ayos lang but hindi naman talaga then magagalit sila pag pinabayaan then papalakihin ang issue.And honestly speaking i can't understand Seirra right now.
Kakatapos lang ng libing ni Lolo at nandito pa kami sa cemetery ng simulan niyang awayin ako.
And i don't fucking understand what is she pointing at. When I called her the other day and ask her kung ayos lang ba na hindi kami mag kita unless pupunta siya rito sa burol she said ayos lang then the next day i know galit siya sakin dahil hindi man lang ako nag paramdam sakanya ng halos one week at kung hindi pa raw siya pupunta rito sa libing ni Lolo.
Hindi pa raw ako mag paparamdam. Nakaka tangina.
Akala ko ba nung tumawag ako naiintindihan niya na kailangan kong nandito lang sa burol ni Lolo, akala ko ba naiintindihan niya na pamilya muna bago ang kung ano mang bagay.
Tangina lang hindi niya pala naiintindihan.
"Emil ano ba! Kinakausap pa kita! Bumalik ka nga rito!" Sigaw niya habang nag lalakad ako papalayo sakanya.
Ayoko naman siyang kausapin kakalibing lang ng Lolo ko. Ayokong ibunton sakanya ang disappointment ko sa mundo, dahil baka pag nagawa ko yun pag sisihan ko ang mga bagay na masasabi ko sakanya.
"Not now Seirra." Sabi ko habang nag lalakad pa rin at hindi siya nilingon.
Alam kong nasa likuran ko lang siya naka sunod sakin at handa na akong birahin ng kung ano anong mga salita.
"No! Ngayon na! Ayusin natin tong issue mo! Sumo-sobra ka na!" Sigaw niya pa rin.
Just fuck! Nakaka gago lang nasa simenteryo pa kami dito na siya sumisigaw at binibira ako ng ka oa-yan niya.
Pwede namang sa labas nalang pero parang hindi niya ata ma-gets at gusto niya rito mag hanap ng eskandalo.
Kahit anong sigaw niya hindi ko siya nilingon at tinuloy tuloy ko lang ang lakad papunta sa labas ng gate ng simenteryo.
Saka lang ako huminto sa pag lalakad ng nasa gilid na ako at sinandal ang likod sa poste na una kong nakita.
"Emil! Ano ba! Talaga bang pinag habol mo pa ako?! Hindi ka ba nakikinig sa sinabi kong mag usap tayong dalawa?!" Sigaw niya sa mukha ko kaya naman napa dilat ako.
Kahit anong pag titimpi ko, kahit anong pag pipigil ko kung ganito naman siya kahayok mag simula ng away hindi ko na mapigilan na sagutin din siya.
"Ano ba! Sa simenteryo ka pa talaga nag simula ng away! Wala ka man lang galang!" Bulyaw ko sakanya. Naubos na ang pag titimping ginawa ko para sakanya.
"Talagang gagawa ako ng eksena! Ano ba ha! Ganyan ka na ba talaga?! Wala ka na ba talagang pakialam sakin?!"
"May pakialam ako sayo! Tinanong naman kita! Sinabi mo ayos lang! Kasi mga panahon na yun ako ang hindi ayos! Gusto kong nandito ka sa tabi ko dinadamayan ako! Pero hindi! Sabi mo ayos lang na malayo ka kasi busy ka! Ayos lang ulit sakin kasi wala naman akong choice! Tapos eto mag hahanap ka ng away?! Nakaka putangina Seirra!"
"Hindi naman purket sinabi kong ayos lang ayos na! Emil naman! Kailangan din naman kita ah!"
"Pero diba dapat sinabi mo na sakin simula pa lang na hindi ka rin ayos para naman alam ko rin masyado ka kasing pabida gusto mo ikaw lang feelings mo lang! Pagod din ako Seirra hindi lang ikaw!"
Hindi siya naka sagot, namamasa ang gilid ng mata niya indikasyon na paiyak na siya pero wala akong pakialam ngayon.
Siya ang may kasalanan this time, pinapalaki niya masyado ang mga bagay na dapat maliit lang.
BINABASA MO ANG
Amar De Nuevo ✔
General FictionDownfall Series 2 [ COMPLETED ] Emiliano 'Emil' Quijano. He belongs to the most influential family in their Province. But despite of that he is always being called different names behind his back, for instance 'nerd' and 'freak'. But he doesn't rea...