Hallelujah, hallelujah, hallelujah, hallelujah ~"So ano nga sabi niya nung tinanong mo siya kung pwede bang manligaw? Pumayag ba siya? O basted ka na talaga? Quijano ano? Sagot?!" Tanong ni Perez sakin habang nasa loob kami ng chapel dahil may mass tuwing Thursday, masisira ang focus ko sa pag dadasal! Lintek na Perez na to!
"Ang ingay mo, nag sisimba oh! Makaka pag hintay yan!" Sabi ko pa sakanya bago ipinag patuloy yung pakikinig ko dun sa kumakanta sa harapan.
"Ang daya naman! Quijano! Kaibigan mo ba talaga ako! Since junior high! Junior high! Tapos itatanong ko lang naman kung kamusta na kung makaka pang ligaw ka na ba kay--"
"Wala pa siyang sagot okay! Mamaya ko pa lang malalaman pagka punta ko sa office ng mga Journalist! Okay na ba?" Pasinghal na sabi ko sakanya.
"Ay? Akala ko pwede na! Hindi pa pala! But Quijano keep it up Mala mo payagan ka na niya! I bet! Hunk ka na ata ngayon!"
Natapos yung mass na nag uusap kami ni Jonas, great wala pang tapos ng mass makasalanan na kaagad ako! Bakit ko nga ba naging kaibigan tong bakla na to?oh right! Dahil parehas kaming lonely kaya nag bida bida kami!
Sabi ko na nga ba Mali ang pag pili ko ng mga kaibigan, anyway excited na akong pumunta sa office nila Seirra Lou. Ewan mo ba nakaka bakla kinikilig ako. Sana naman mag karoon na ako ng pag asa kay Seirra Lou. Matapos kong kumain ang bag ko sa classroom lumabas din naman ako at nag tuloy tuloy sa college campus kung nasaan ang office ng mga Journalist. Nang makarating naman ako sa building kung saan ay dali dali na rin akong umakyat.
Naka sarado yung pintuan nila kaya naman pakatok na sana ako ng bigla rin naman bumukas ang pinto nito na iniluwa si Akiko. Naka paskil pa rin sa labi niya ang dark red na lipstick na lalong nag paganda sakanya.
"Oy Quijano! Napatitig ka? Si Seirra Lou ba hanap mo? Hindi pa nabalik, umalis kasi kanina may bibilhin daw." Bungad pa nito sakin.
"Ganun? Sige hintayin ko na lang dito, pwede naman sigurong tumambay dito no? Hindi naman pinag babawalan?" Pag tatanong ko. "Oo pwede naman ditong tumambay basta wag maingay."
"Ngayon mo na ba malalaman kung papayagan ka ni Seirra manligaw sakanya?" Tanong niya sakin.
"Oo kabado nga ako, sana naman pumayag siya na manligaw ako. Mahal ko na ata yun!" Sabi ko pa.
"Parang hindi naman." Sagot niya pa.
"Diba magka kilala naman kayo ni Seirra? So ano ba gusto niya sa mga lalaki?"
"Hindi naman talaga kami close ni Seirra she's like an acquaintance to me, but I know her since I was in junior high school though last last year niya lang ako nakilala." Sagot niya pa sakin.
"Di magka office naman din kayo sa tingin mo lang ano yung tipo niyang mga lalaki?"
"Hmm, base sa mga nakikita kong boyfriend niya na nasundo sakanya dati dito, gwapo, matangkad, malakas ang appeal, mayaman, maluho yun kaya gusto nun mayaman jowa noon."
"Bakit parang nag mu-mukhang gold digger si Seirra Lou sa mga sinasabi mo?"
"Wala akong sinasabing ganun siya, ang akin lang madalas kong napapansin na ganun yung mga naging boyfriend's niya. Did you know Jacob Ocean?" Tanong pa nito. Napaisip naman ako panandalian bago sumagot. "Hindi at wala akong pakialam sakanya."
"Isa lang naman yun sa mga naging boyfriend ni Seirra Lou at kilala lang naman yung gwapo, matangkad, malakas ang appeal at player pa yun ng football at higit sa lahat mayaman yun at lahat ng naging jowa nun na bigay niya ang mga luha isa na dun si Seirra Lou at kilala mo ba si Lopez? Lewis Lopez?" Tumungo naman ako at nag patuloy siyang mag salita.
BINABASA MO ANG
Amar De Nuevo ✔
General FictionDownfall Series 2 [ COMPLETED ] Emiliano 'Emil' Quijano. He belongs to the most influential family in their Province. But despite of that he is always being called different names behind his back, for instance 'nerd' and 'freak'. But he doesn't rea...