Pecado 4

31 26 0
                                    


Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako dun sa sinabi ni ate Lome na gusto niya para sakin si Akiko, like I like her as an acquaintance or even more I like her as a friend but not like her intimate. Ewan ko ba kay ate Lome ma-issue mag kaibigan lang kami ayokong makita ang pag kakaibigan namin dahil lang sa ma-issue itong si ate. Saka gusto ko si Seirra Lou kaya ko nga siya nililigawan para maging girlfriend.

Uwian na namin ng bandang mga alas tres at malakas ang ulan. Tinawagan ko si Seirra Lou kanina para sunduin siya sa classroom niya pero sinabi niyang wag na dahil susunduin daw siya ng driver nila. Kaya naman nandito ako ngayon sa campus at nag lalakad palabas ng school ng mula sa pintuan ng canteen ay nakita ko si Akiko na naka abang sa pintuan ng canteen at halata mo ritong walang payong.

Nag lakad naman ako pabalik sa canteen at tumigil sa harap niya. "Hi! May hinihintay ka ba?' Pag tatanong ko. "Meron." Sagot niya pa. "Sino?" Tanong kong muli. "Hinintay kong tumigil tong ulan hindi sino." Sagot niya pa muli habang naka ngiti. "Ah! Sorry, here sabay na tayo silong ka sa payong ko." Lag aaya ko pa sakanya at ng sumilong siya ay nag simula na kaming mag lakad palabas ng campus. Sa sobrang lakad ng hangin ay naanggi ang ulan kaya nababasa ang bag niya na nasa likuran niya.

"Akin na bag mo, nababasa na ng ulan oh, baka mabasa pa mga notess mo diyan." Sabi ko pa rito. "A-ah, ayos lang. Sayo nga rin, eh. Baka mabasa notes mo diyan."

"Wala akong notes nasa locker ko mga notes ko akin na at baka mabasa ka pa." Huling pahayag ko pa bago niya inabot ang bag niya sakin at isinukbit ko naman ito sa harapan ko upang hindi mabasa.

Nang makarating kami sa harap ng school madaming mga estudyante ang nag hihintay din ng masasakyan kagaya namin. Nang tignan ko si Akiko ay napansin kong nababasa ang parte ng balikat niya kaya naman inakbayan ko siya at hinatak pa palapit sakin. "Nababasa ka na ng ulan." Sabi ko pa ng mapansin kong naka tingin siya sakin. "H-huh? D-diko ko napansin sorry." Sabi pa nito. "It's okay tara ayan na yung jeep!" Yaya ko sakanya ng may tumigil na Jeep sa harapan namin. Sa pag sakay namin sa Jeep ay siksikan ito kaya naman sobrang mag kadikit kami ni Akiko.

Ilang minuto lang din ng pumara si Akiko, bumaba naman kami sa tapat ng isang four storey na building eto siguro ang apartment na tinutuluyan niya kasama ang kapatid. "Good afternoon Aki, boyfriend mo?" Tanong pa nung lalaking guard sakanya. "Tsk, ano naman kung oo?" Mataray na tanong ni Akiko sa guard bago ako hinatak papasok sa building ng apartment.

Nang maka akyat kami sa third floor ng Building ay huminto kami sa tapat ng kwarto na naka lagay ay room 307. "Pasok ka." Yaya naman sakin ni Akiko kaya pumasok na rin ako. Pag pasok ko sa loob ay wala namang mga extravaganza na mga gamit dito, ordinary lang at simple. "Upo ka, sorry medyo magulo si Ava kasi bobo hindi nag lilinis pag katapos mamili ng mga isusuot." "Ay hindi ayos lang, hindi rin naman expected na na darating ako. No worries." Saad ko pa. "Ano gusto mong kainin mag mga noodle cup dito gusto mo bang kumain nun? Meron din naman during mga pancakes, ano anong gusto mong kainin?"

"Kahit yung noodle cup na lang." Sabi ko habang tinitignan yung mga pictures na naka sabit sa dingding. Karamihan sa mga yun ay puro siya at ang mga parangal na nakuha niya sa pag sali sa mga contest patungkol sa pag susulat, pero meron din naman akong mga nakitang picture kasama ang Nanay niya ata at mga kapatid niya. "Nasaan na yung isang mong kapatid? Diba at dito rin siya natuloy?" Pag tatanong ko pa ng mapansin kong wala yung kapatid niya. "Nasa bahay ata ng boyfiend niya, pabayaan mo na mamaya maya rin uuwi na yun." Sabi pa nito.

"Okay lang ba sa parents ninyo na nandun siya sa bahay ng boyfiend niya? Diba magagalit mama mo?" Takang tanong ko.

"Hindi yun, sanay na rin si mamang kay Ava kaya no worries." Sabi niya pa bago inilapag ang noodle cup na kakainin namin. "Oo nga pala! Kamusta na kayo ni Red?" Pag tatanong ko pa muli sakanya napatigil naman siya sa ginagawa niya bago tumingin sakin at pinag patuloy ang ginagawa.

Amar De Nuevo ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon