Pecado 10

27 23 0
                                    


Kumalma ka lang Emil, attractive lang talaga siya kaya ka nagkaka ganyan. Ganito ka rin naman sa lahat ng babae, lalo na pag ganitong ka-sexy katulad ni Akiko kaya ikalma mo ang sarili mo. Kahit mag kaibigan kayo syempre attractive pa rin siya kaya ganito ang epekto niya sa katawan mo.

Okay easy junior wag susugod kaagad. Marupok ang kalaban.

Nakita kong papalapit narito si Akiko sa kinaroroonan namin na nakapaskil parin sa mga labi ang ngiti. May mga bumati rito at inalok siya ng mga shots pero tinangihan niya lamang at nakipag biruan pa sa mga ito.

Madaming pag tanggi, pag bati at pag tawa ang nadaanan ni Akiko bago siya nakarating sa pwesto namin ni Seirra. Nang makalapit siya ay siya namang pag ayos ng upo ni Seirra sa upuan at hinarap din si Akiko na ngayon ay nasa harapan nila at naka ngiti.

"Oy! Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa nag start ang party! Akala namin nila Jonas hindi na kayo pupunta e!" Naka ngiti pa ring sabi samin ni Akiko, hindi ako maka tingin sakanya. Hanggang ngayon may ilang pa rin sakin sa pag tingin sa katawan niya lalo pa't ngayon ay naka two pieces lang siya kaya kitang kita ang katawan niya.

"Nag pa-late talaga kami ni Emil, mag uumpisa naman siguro to kahit wala kaming dalawa. We just enjoy each other's company kaya no worries din naman if hindi kami pumunta rito." Sagot ni Seirra Lou sa tanong ni Akiko kaya napadapo ang buong attention ni Akiko ngayon kay Seirra Lou na umiinom ng beer.

"Really? Oh wait, I thought you stop drinking na? Last na inom is like what? One year ago na rin? Umiinom ka na ulit?" Sunod sunod na tanong ni Akiko kay Seirra ng mapansin ang hawak nitong cup na may lamang beer. Naka ngiti pa rin siya na para bang wala namang namumuong tension sa pagitan nilang dalawa.

"Ngayon na lang ulit ako uminom, bakit? Do you think nag sisinungaling ako sayo nung sinabi kong nag stop na ako mag inom but now nakita mo akong nainom?" Seirra Lou darted her stare at Akiko, who's proudly standing up in between us.

"I don't know, you should stop that drink na rin if now ka na lang ulit nag inom, baka mamaya mapasobra ka at mapahamak ka pa dahil sa pagkalasing mo." Akiko bark back at Seirra.

"I'm fine, you don't have to worry about me. If gagawa man ako ng eskandalo Aki I'm assuring you na hindi ka na kasama dun." May ngiting malalim ang kahulugan si Seirra kay Akiko kaya naman bago pa sila mag patayan sa harapan ko at mag away dahil sa pinag uusapan nilang hindi ko naman alam sumingit na ako sakanila.

"By the way Akiko, sino kasama mo pumunta dito? Sila Jonas at Anton lang ba?" I ask her kaya naman ang mainit na pag titinginan nila ay nawala ng bumaling sakanya si Akiko dahil sa tanong niya.

"No, I'm with someone e. But bigla na lang nawala nag swimming lang ako. Oh well, it's okay lang din naman isa lang naman yung sa mga naka fling ko this week."

"You're into fillings pa rin Aki? I thought pang matagalan na yung sainyo ni Red?" Seirra ask Akiko kaya naman napatingin ulit si Akiko kay Seirra.

"Oh well, what can I say you cannot tame a tigress like me." Biro ni Akiko na ikinatawa ko naman ngunit hindi natawa ni Seirra kaya dahang dahang namatay ang pag tawa ko.

"Or baka hindi ka pa nakaka move on?"

"Ano?"

"Baka dahil puro filling ka lang dahil hindi mo pa rin makalimutan si--" Bago pa matapos ni Seirra Lou ang sasabihin niya ay siya namang pag dating ni Anton at pag sabat niya sa usapan nila Akiko.

"Hey! What took you so long sa pag swimming Akiko, were waiting at you come on. Let's drink, then swimming na tayo and hanap ng fafa." Pag aaya ni Anton kay Akiko, ngunit si Akiko ay matalim na naka tingin kay Seirra Lou na naka ngiti lang sakanya na para bang nag wagi sa kung saan.

Amar De Nuevo ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon