Pecado 15

24 20 0
                                    


First week ng pasukan bilang isang college student.

Hindi naman aminin pero ang layo ng pinag kaiba ng college sa junior high school at senior high school.

Kung nung junior high ay kahit first week ng pasukan ay wala pang gagawin ganun rin sa senior high dito sa college hindi. First meeting pa lang namin sa mga Prof namin ay iba't ibang pina assignment na kaagad samin sila. Pero ayos lang kaya ko naman kaya naman namin.

August ang pasukan dito sa University pag college and patapos na ang first week ng pasukan hindi pa rin siya nag papakita. Last na kita namin sakanya ay nung April pa bago kami mag hiwalay hiwalay dahil sa kanya kanyang vacation.

Nasabi ko kina Jonas at Anton ang napag uspan namin ni Akiko nung party na baka dun na siya mag aral sa Manila dahil sa sinabi ng Daddy niya. Sabi ni Anton marahil kaya hindi na nag paparamdam si Akiko dahil baka nasa Manila na siya ngayon at nag aaral sa isa mang mga university dun.

Friday ngayon at nasa last period na kami ngayong araw. May ipinaliliwanag lang ang Prof namin para sa gagawin namin bukas para wala ng mag tatanong at pagkatapos nun ay pwede na kaming lumabas.

Saka anong oras na rin naman mag aala syete na ng gabi marahil ay karamihan sa mga estudyante rito ay naka uwi na at nasa kanya kanya na nilang mga tahanan samantalang kami hinihintay pang matapos ang sasabihin ng Prof namin na napaka hinhin halos hindi na namin marinig ang sinasabi niya sa dulo.

Nang matapos mag salita ang Prof namin at sabihing dismiss na dali dali kong nilikom ang mga gamit ko na nasa mesa at nilagay sa bag ko ng maayos na ay sinukbit ko na ito sa likod ko at tumayo na siya rin namang dating ni Perez sa harapan ko.

Mag ka-klase pa rin kami. Sa awa ng diyos. Business Administration din kasi ang kinuha niya kaya sabay kaming nag enroll kaya marahil ay mag classmates kami.

"Oh my gosh, nakaka loka lang ah. Si Prof Jas hindi ko malaman kung madre ba yun dati o sadyang ganun lang talaga siya mag explain like wtf? Ang pabebe niya." Rant sakin ni Jonas na nasa harapan ko pa rin.

Binatukan ko naman siya ng malumanay na ikinatawa niya bago sabay kaming nag lakad papalabas sa classroom habang pinag uusapan ang gagawin namin bukas.

"Emil!"

Nang marinig ko ang pangalan ko na tinawag ay napalingon ako. Nakita kong naka ngiti na si Yuri ang tumawag sakin. Isa sa mga classmates ko.

"Oh hi Yuri, bakit?" Tanong ko ng makalapit siya sa harapan namin. Nakayuko lang siya at matagal bago siya nag salita.

"S-salamat pala kanina ah, niligtas mo ako dun sa recitation baka kung hindi ka naka tamang sagot lagapak ang grades ko." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

"Ayos lang yun, saka dapat mag tulungan tayo rito para mabilis tayong maka graduate kaya ayos lang yun wag ka na mag thank you."

"Ano pero thank you pa rin, okay lang ba na as a token of my thank you ilibre kita diyan sa cafe sa tapat?" Tanong niya.

"Gabi na rin kasi, saka..." Mag sasalita pa sana ako ng maunahan ako ni Jonas.

"Dear first of all Gabi na and second he has a girlfriend baka sa ginagawa mo mag away sila." Straight forward niya na sinabi kaya naman binangga ko ng kaunti ang bewang niya para pag sabihan. Nakita naming natigilan si Yuri at para bang nalungkot dahil sa nalaman. Sana hindi.

"A-ah ganun b-ba? Sorry, pero thank pa rin kanina sige una na ako. Bye Emil, bye Jonas." Paalam niya bago na unang mag lakad samin at sumabay sa mga kaibigan niya na nag hihintay sakanya sa tapat ng classroom.

"Bakit ang rude mo sakanya!" I told him matapos naming makita si Yuri na makalabas.

"Isn't obvious? She's into you! Hello? Alam ko na ang mga galawang ganun no, if hindi ako sumabat hindi ka titigilan nun hanggang sa mag away kayo ni Seirra pag nalaman niya to."

Amar De Nuevo ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon