JUSTIN’S POINT OF VIEW
Kanina pa ako nakasimangot. Lakas talaga maka-bad-trip ni Dylan kahit kailan.
Mag-isa lang si Tyler na nadatnan namin sa napakalawak na kitchen. Mukhang siya ang nakiusap na umalis muna ang mga tagaluto para sa ipapagawa nila. Nasa ibabaw siya ng isang mesa sa sulok. Napatingin siya sa aming direksyon.
Pinaningkitan ko ng tingin si Dylan nang makitang napakagulo ng lugar. Kumalat ang mga kung anu-anong mga ingredients sa mga mesa at sahig. Gayundin ang mga cooking and baking tools. In overall, parang dinaanan ng matinding bagyo.
Malapad na ngumiti ang demonyong nagkatawang-tao sa akin. Gigil ko siyang sinakal hanggang sa mawalan siya ng malay. Siyempre, sa isip ko lang iyon. Baka mapatay ko siya.
“Dare dito?” tanong ko, “Cleaning?” Halata sa tono kong hindi ako naniniwala. Ito ang first time na sa loob ng kusina niya ipagagawa ang kalokohan niya. Dati-rati, laging sa loob ng gubat. “Really?”
“What do you think?”
Maniniwala na sana ako ngunit hindi pa rin ako nakakampante. Panira talaga ang ngisi niya. Uh, si Dylan ito, paniguradong hindi lang ito simpleng paglilinis.
“Okay,” tugon ko at nagsimula na. Pinulot ko ang isang nakataob na kaldero sa sahig, malapit sa aking kaliwang paanan. Subalit, kaagad ko rin itong nabitawan nang makita ang tumambad sa aking paningin. “AAAAAAAHH!” Awtomatikong gumalaw ang katawan ko at tumalon papunta sa ibabaw ng mesa.
Mula sa tatlong berdeng palaka na tatalon-talon, inilipat ko ang nanlilisik kong tingin kay Dylan. Grabe ang tawa niya kasama si Tyler na nasa ibabaw ng ulo niya. Sabi na nga ba, hindi talaga siya mauubusan ng kalokohan.
“Kagago mo, Dylan! Ilayo nga ninyo ang mga iyan!” inis kong sigaw.
“Sige.” Pinulot niya ang mga palaka.
Makakahinga na sana ako nang maluwag ngunit kinutuban ako ulit ng masama. Huli na noong malaman kong balak niyang ibato sa akin ang mga iyon.
“Aaaaaaahh! Aaahh!” Hindi ako mahinto sa pagsisigaw dahil sa takot at pandidiri nang saktong pumasok ang mga palaka sa loob ng t-shirt ko. Hindi na ako mapakali at nagtatalon-talon sa mesa. “Aaaahh!”
Dahil sa malubhang pagpa-panic, natumba ako at bumagsak sa baba. Mabilis akong tumayo. Aksidenteng nasagi ko ang mga iba pang paglutuan kaya nagsihulugan ang mga ito. Halos lumabas na ang mga mata ko nang makita ang napakaraming palaka.
“Aaaaaaaaaaaaaahh! Damn you, Dylan!”
Umabot hanggang kalahating oras na ganoon ang eksena. Siguro, nagsawa sina Dylan kakapanood sa pangto-torture niya sa akin kaya inalis niya rin ang mga palaka at tinulungan ako sa paglilinis at pagliligpit.
Naiinis pa rin ako kaya umalis muna ako ng palasyo. Tumungo ako sa isang liblib na parte ng kagubatan.
Usually, pumupunta ako rito kapag birthday, wedding, and death anniversary nila. Maybe, because Rhein and Dylan made me remember the past with them.
Dito matatagpuan ang isang kakaibang puno. Noon, punong-puno ito ng buhay. Namumunga ito ng puting bilog na prutas at namumulaklak ng mga puting bulaklak. Kumikislap ang mga ito kapag nasisinagan ng araw o buwan. Nakakapanghinayang nga lang dahil patay na ito. Tanging ang itim na kahoy at mga sanga na lamang ang natira.
Tumingin ako sa orasang nakasabit sa pader ng sala namin. Five o’clock pa lang ngunit lagi kong pinipilit na gumising nang maaga. Dumiretso ako sa kusina.
Nakita ko si Mama na naghahain ng pang-umagahan. Nginitian niya ako nang mapansin niya ako. “Baby, maaga pa. You seem sleepy. You should sleep more.”

BINABASA MO ANG
Ruihnas
FantasyRhein Gomez - namulat lamang siya sa isang ordinaryong buhay bilang tao. Namumuhay nang simple kasama ang kanyang nag-iisang nakatatandang kapatid, pumapasok sa isang eskuwelahan, nagkakaroon ng kasiyahan kasama ang mga kaibigan, at higit sa lahat...