Chapter 29: Fine

12 4 0
                                    

JUSTIN'S POINT OF VIEW

Naghintay ako nang magdamag pero wala pa rin sila. It was my birthday but hindi pa rin sila nagbalik. Nakaranas ako ng magarbong handaan ngunit hindi ko sila kasama. Birthday ko ngunit hindi ko magawang maging masaya.

Patuloy sa pagbati sa akin ang mga nakisalo sa handaan. Sila-sila rin ang mga naglilingkod sa loob ng palace . . . mga maids, knights, at ilang mga kasali sa nobles. Hindi ko na kinaya ang pagngiti nang matagal kaya lihim akong umalis doon. Hindi naman ako mag-isa dahil sumama sa akin ang mga praciens nina Papa.

Hindi ko alam ang pasikot-sikot ng palasyo ngunit wala na akong pakialam kung maligaw man ako. Walang katao-tao sa mga hallway na pinagtatakbuhan ko. May nakita akong bukas na pinto sa dulo ng isang hallway. Hindi ko sana iyon papansinin ngunit masyadong agaw-pansin ang bolang liwanag na naroon. Isa palang library ang room na iyon.

Walang ibang tao sa loob maliban sa akin kaya nagkulong muna kami roon. Sobra akong nalulungkot kaya ako umiyak.

Patuloy sa paggalaw ang oras. Patuloy din ako sa pag-iyak. Ewan ko kung gaano na kami katagal doon.

Kinausap ko ang mga ibong kanina pa nakaharap sa akin at nanonood. Kita sa mga mata nilang naaawa rin sila sa kalagayan ko.

"Gano'n na ba katagal ang inaasikaso nila? Then why didn't they tell me that they could not make it today? Sana, sinabi na lang nila."

Hindi sila nagsalita. Kahit na gumawa sila ng tunog, hindi ko rin maintindihan dahil hindi ako ang pracien nila.

Pinunasan ko ang aking mukha at tumayo. Basang-basa na ang damit ko. Lalapitan ko sana ang bolang liwanag ngunit dumaing ang mga ibon. Napahiga sila sa sahig at tila namimilipit sa sakit.

Kinutuban ako ng masama. Sumagi sa isip ko ang nabasa ko noon sa isang aklat sa bahay na ang buhay ng mnarillaza at ang pracien nito ay magkadugtong.

Tulala ako habang nakatingin sa mga ito. Hindi na sila gumagalaw. Binuhat ko sila at niyakap. "B-bakit?" paulit-ulit kong tanong.

Napatingin ako sa puting aklat na dahan-dahang bumaba at lumutang sa aking harapan. Tumingala ako sa itaas. Isa ito sa mga aklat na lumulutang na halos abot ang kisame. Bumuklat ito nang mag-isa. May nagpakitang mga larawan sa blangkong pahina. Ito ang nagmulat sa akin sa katotohanan.

Hindi ko alam kung paano. Namalayan ko na lang na naglalakad ako sa loob ng kagubatan. Hindi pa rin mahinto ang mga luha ko.

RuihnasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon