RONA’S POINT OF VIEW
“You!”
Tinutukan ko si Dylan ng aking light sword nang makaliko siya sa pasilyo. Nanlalaki ang kanyang mga mata at halos maduling na habang nakatitig sa patalim malapit sa kanyang mukha. Ilang beses siyang napalunok sa kaba bago ako tinignan.
“What is this for, Princess? Plano mo ba akong patayin? Anong klaseng punishment ito?”
“Rona, huminahon ka. You may kill the only meithi mnarillaza left in existence. Maaari mo naman siyang patayin kung mayroon na siyang anak,” rinig kong sabi ni Natre. Hindi ko tuloy mawari kung binabalak niya ba akong pigilan o kinukunsinting patayin ang kaharap ko.
Pinaningkitan ko ng mga mata si Dylan na tila sinusuri ang kanyang buong pagkatao. “I told you na huwag mong ha-harass-in ang kapatid ko, ‘di ba? Ano ang narinig kong hinalikan mo siya kaninang nagsisisigaw siya?”
Mas lalong namilog ang kanyang mga mata. “N-narinig mo?”
“Malamang. Where did you kiss her? Huh? At bakit huminto siya sa pagsisisigaw kanina? Did you kiss her again?”
Humakbang siya paatras at napailing-iling. Mariin pa siyang napapikit at napabuntong-hininga. “Magkapatid nga kayo,” wika niya, “Noong naglalakbay siya, I kissed her twice for her own good.”
“Explain yourself,” maawtoridad kong utos. Ibinaba ko ang aking sandata at pinakinggan siya.
“First kiss, sa leeg – para pabagalin ang daloy ng mahika niya. Second kiss, sa leeg ulit – ginawa ko iyon para hindi niya ako makilala. Noong naglalakbay pa lang siya, nagpakita ako sa kanya para kalabanin. I didn’t know that she was desperate to see my face. Nagawa niyang tanggalin ang mask ko kaya wala na akong ibang choice kung hindi ang halikan siya. In that way, she was shocked to the point that she couldn’t be able to look at my ‘handsome’ face.” Diniinan niya ang kanyang pagkakasabi sa salitang ‘handsome’ sa kanyang paliwanag. Seryosong usapin na nga, nagawa niya pa ring magyabang.
“Bakit siya huminto sa pagsigaw kanina?” Kumunot ang aking noo nang makita ko siyang ngumisi. “What did you do?”
“Basta,” at tuluyan na siyang naglaho sa aking harapan. Pinahinto niya na naman ang oras at tumakbo papalayo.
Inis kong sinipa ang pader. “Lagot ka sa akin bukas.”
“Calm down, Rona. Baka atakihin ka sa puso niyan.” Kaagad kong tinapunan ng masamang tingin si Natre kaya hindi na siya nagtangkang magsalita pa.
Kinalma ko muna ang aking sarili bago nagtungo sa silid ni Rhein. Maraming beses akong kumatok sa pinto ngunit walang sumasagot. Sinubukan ko ring pihitin ang doorknob kaso hindi mabuksan kaya nag-teleport na lang ako.
Nakapatay na ang ilaw at tanging sinag na lamang ng buwang tumatagos sa pintuang salamin ng balkonahe ang nagbibigay ng liwanag. Mahimbing nang natutulog si Rhein, kasama si Forelody na nakahiga sa tabi ng kanyang unan.
Tahimik akong umupo sa kama at pinagmasdan ang mukha ng aking kapatid. Napakapayapa niyang tingnan habang natutulog kahit na noong nasa mundo pa lang kami ng mga tao.
“Siya ang nasa prophecy,” wika ni Natre, dahilan para bumigat ang aking pakiramdam. Batid kong tinitignan niya rin si Rhein.
Kasabay ng aking pagtango ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko. Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay nang mahigpit. “Rhein, pasensya na. Ako na ang humihingi ng tawad sa maaaring mangyari.”
RHEIN’S POINT OF VIEW
Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa pagmumukha ni Ate Rona. Nakaharap siya sa akin kaya kitang-kita ko ang kanyang nakaawang na bibig. Humihilik pa siyang parang bata.

BINABASA MO ANG
Ruihnas
FantasyRhein Gomez - namulat lamang siya sa isang ordinaryong buhay bilang tao. Namumuhay nang simple kasama ang kanyang nag-iisang nakatatandang kapatid, pumapasok sa isang eskuwelahan, nagkakaroon ng kasiyahan kasama ang mga kaibigan, at higit sa lahat...