RHEIN’S POINT OF VIEW
Pagkaraan ng ilang minutong paglalakad, unti-unting nawala ang puting liwanag. Sumalubong sa akin ang kapaligirang punong-puno ng mga halaman at mga puno.
Huminto ako at lumingon sa likod. Ang kaninang pintuang nanggalingan ko ay napalitan ng isang malaking punong namumulaklak ng ginto at pilak na bulaklak.
Wala sa sariling tumingala ako sa maaliwalas na langit at napasigaw, “Nakakabaliw na! Kaasar!”
“Masanay ka na.”
Napalingon ako kay Forelody nang magsalita siya. Muntik ko na siyang makalimutan. Narito pala siya sa ibabaw ng aking kanang balikat. Masyado kasi akong naka-focus sa pananakit ng puso ko kanina tapos, ito pang biglaang pagpunta ko sa mundong ito.
“Mundong may mahika . . . kahit sino naman, magiging ganito ang reaksyon, ‘di ba?” halos pabulong kong sabi.
“Narito naman ako bilang gabay at kaibigan mo. Huwag kang mag-alala.”
I nodded at ngumiti. “Sinabi mo na iyan. Walang bawian.”
“Siyempre, Pracien!”
Iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Wala naman akong nakikitang kakaiba. Kaparehong-kapareho rin ito ng mga gubat sa mundo ng mga tao.
Alam kong magkapareho rin ang dalawang mundo. Ang pinagkaiba nga lang ay mas maliit ang mundo ng mga mnarillazas ng sampung beses. Magkapareho rin ang lawak ng anyong lupa at anyong tubig. Itong mundo kung nasaan ako ngayon – tinatawag itong Mnarra.
Hindi ko alam kung paano ko nalaman ang tungkol dito. Nang sumagi sa isip ko ang ginawa ni Lolo Lembo kanina, roon ko lamang napagtantong ito ay epekto ng mnarill niya.
“Base sa mukha mo, alam mo na ang tungkol sa mundong ito,” wika ni Forelody habang nakangiti, “Mabuti at binigay ni Lolo Lembo ang mga nalalaman niya sa iyo. Hindi na ako mahihirapang magpaliwanag pa.”
Tinignan ko siya nang nakakaloko. “Tinatamad ka lang.”
Awtomatikong nag-iwas siya ng tingin. “Hindi, ah.”
Umiling-iling ako at natawa. Nagawa pang magsinungaling ng ibong ito.
Pumunta ako sa likod ng isang puno at ibinaba ang dala kong bag. Binuksan ko iyon at naglabas ng mga damit at pati na rin ang mga sapatos ko.
“Ano ang gagawin mo?”
“Cloth-changing. Hindi naman puwedeng magtra-travel ako nang naka-pajama.”
Nilagay ko sa loob ng bag ang mga nagpalitan ko. Isinuot ko na rin ang gray kong hoodie. Hinawakan ko ang mga straps ng backpack ko at isinuot. Hinigpitan ko ang aking hawak rito bago nagsimulang maglakad patungong silangan.
“Rhein, hindi ka ba natatakot?” biglang tanong ni Forelody matapos ang isang oras na paglalakad.
Binigyan ko siya ng isang ngiti. “Ikaw na rin ang nagsabi . . . ” Tumalon-talon ako sa tatlong sanga ng mga mabababang puno bago muling naglakad. “ . . . dapat masanay na ako.”
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Hindi ka ba natatakot sa deore mnarillaza? Paano kung magpunta siya rito at tuluyan ka nang patayin?”
Napayuko ako nang marinig ang pangalan na iyon. Sa dami ng mga nalaman ko tungkol sa totoong ako, nawala sa isip ko ang tungkol sa deore mnarillaza. Natatakot nga ba ako sa kanya?
“Tulungan ninyo kami! Tulong! Binibining manlalakbay, tulong!”
Gulat kaming nagkatinginan ni Forelody nang marinig ang matinis na hiyaw. Napatingin kami sa harapan. Nakita namin ang isang matabang chipmunk na tumatakbo palapit sa aming direksyon. Hinihingal itong tumigil sa aming harapan.
BINABASA MO ANG
Ruihnas
FantasyRhein Gomez - namulat lamang siya sa isang ordinaryong buhay bilang tao. Namumuhay nang simple kasama ang kanyang nag-iisang nakatatandang kapatid, pumapasok sa isang eskuwelahan, nagkakaroon ng kasiyahan kasama ang mga kaibigan, at higit sa lahat...