Chapter 24: Glimpse of Gray

35 15 0
                                    

RHEIN'S POINT OF VIEW

Nakuha lahat ni Kuya Dylan ang atensyon namin nang sumabat siya. "Sorry for cutting her out, Your Majesty."

Bahagyang kumunot ang noo ko habang inuusisa ang kanyang seryosong mukha. Bakit siya nagsinungaling? Sasabihin ko na sana ang totoo ngunit bakit niya sinabi iyon?

Kaagad kong ibinalik ang tingin ko sa aking plato nang sumulyap siya.

"It's fine. Mahusay ka nga talaga, Rhein," pagpuri sa akin ni Papa, "Mana ka sa mama at ate mo."

Lumabi ako at nagbiro. "Bakit, Pa? Ayaw mo akong magmana sa iyo?"

"Siyempre, mana ka rin sa akin," natatawang tugon niya.

"Akin na!"

"Akin na ito!"

"Ako ang nauna!"

"Ako ang mas nauna!"

Nagkatinginan kami ni Ate Rona nang makita ang aming mga praciens na nag-aagawan sa iisang mansanas. Noong tingnan namin ang lalagyan, wala na itong laman. Napailing-iling na lamang kami.

Inagaw ko ang mansanas mula sa kanila at kinagatan iyon. "Akin na lang ito para wala na kayong pag-aagawan." Tinapunan nila ako ng masamang tingin. Huminto rin ang tawanan nila Papa kaya tinignan ko sila isa-isa. Gulat silang nakatingin sa akin. "B-bakit po?"

"W-wala. Nothing, really," sagot ni Mama at muling ngumiti, "Nakakatuwa lang isiping maganda ang bond mo sa mga hayop."

"Hindi naman po masyado." Hindi ko pa rin nakikita ang mga praciens nina Papa magmula kanina kaya naisipan kong tanungin ang tungkol doon. "Pa, Ma, nasaan po pala ang mga partners ninyo? Gusto ko po sana silang makita."

"Nasa Lithosowan Clan sila ngayon, Rhein," malumanay na wika ni Mama. "Bilang mga praciens ng rah and nhar, responsibilidad nilang tumulong sa pamamahala ng clan."

"Bumibisita sila rito nang isang beses kada taon. Sa December mo pa sila makikilala," dagdag naman ni Papa.

"Pakita ko sa iyo mamaya ang mga pictures nila," pagprepresenta ni Ate Rona, "Actually, kamukhang-kamukha nila si Natre," tukoy niya sa kanyang pracien.

Nakaramdam ako ng lungkot habang pinagsasama-sama sa aking isip ang mga praciens namin. Ang akin lang ang naiiba.

Nahalata iyon ni Forelody nang tumingin siya sa akin kaya agad ko siyang inasar para mapagtakpan iyon. "Forelody, ikaw lang ang puti sa mga partners ng pamilya namin. Kawawa ka naman."

Bigla niyang tinuka ang kanang kamay ko dahil sa pagkainsulto. Nang dahil doon, awtomatikong hinila ko iyon. Masyadong pumuwersa ang pag-atras ko kaya natumba ako sa aking kinauupuan.

Nagsitawanan silang lahat kaya napalabi ako. Mabilis akong tumayo at pinagpag ang aking sarili. I threw sharp glares to Forelody and so, she also did. Mas nakakatakot ang tingin niya kaya sumuko na ako.

"Sorry. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. I mean, kakaiba ka sa kanila - that's what makes you special," nakangiting pagpuri ko.

"Talaga?"

"Siyempre naman."

May mga pinag-usapan pa kaming kung anu-ano habang kumakain. Kung minsan, hindi ako makasabay sa pinag-uusapan nila kaya nakikitawa na lang ako.

Naging masaya ang gabi ko dahil sa wakas, nakasama ko na ulit ang aking buong pamilya. Sa sobrang saya ko, parang hindi ako nahiwalay sa kanila sa loob ng mahabang panahon.

Wala pang kalaman-laman ang malaking wardrobe na nasa aking silid kaya nagpahatid ako sa isang maid na nagkataong dumaan sa harap ng aking pinto. Noong tumambad sa akin ang pantulog na kanyang dinala matapos ang ilang minuto, napangiwi ako. Maikling puting nightgown iyon. Hangga't maaari, ayaw kong magsuot ng palda dahil hindi ako komportable.

RuihnasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon