DYLAN’S POINT OF VIEW
“Hindi naman ako isang tanga para hindi makahalata. Alam ko nang may mali sa nangyayari. Alam ba ninyo kung ano ang nasa isip ko kada may mga nalalaman akong kakaiba? I was so frustrated to the point na pati ang mga taong nasa paligid ko at malapit sa akin ay pinag-iisipan kong may itinatago. Pati nga sarili kong pracien, pinagdududahan ko.”
Sumulyap siya kay Forelody na awang-awa sa kanya bago muling tumingin sa akin. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha. Kahit anong gawin niyang pagpunas sa mga ito ay hindi pa rin humihinto. Halata na rin ang panginginig ng kanyang mga nakakuyom na kamay.
“Pakisabi na lang sa akin ang totoo. Please. Gusto ko nang malinawan,” pagmamakaawa niya, “I just want this frustration to stop. Ayaw ko na nito. Gusto ko na silang kausapin. Gusto ko nang makita at mayakap ang buong pamilya ko. Please. I miss them so much, K-kuya Dylan.”
Dali-dali ko siyang sinalo nang tuluyan na siyang mawalan ng malay. Maaaring dahil ito sa matinding pagod. Kusang lumapit ang isang palad ko sa kanyang mga pisngi at pinunasan ang kanyang mga luha.
I felt something heavy inside me while seeing her so hopeless. Naaawa ako sa kanyang situwasyon. Malayo na siya sa Rhein na una kong nakilala at nakausap noong nasa mundo pa lang kami ng mga tao.
Nagkatinginan kami nina Forelody at Tyler. Tumango sila sa akin at dumapo sa aking mga balikat.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mahimbing niyang pagtulog. “Huwag ka nang mag-alala. You will meet them again when you wake up.”
RONA’S POINT OF VIEW
“Natre, kailan ko kaya matatapos itong mga documents? Hapon na. Napakasakit na ng kamay ko sa kakapirma.” Naiiyak na ako. Kanina pa ako umaangal ngunit hindi man lang ako payagan ng pracien kong lumabas. Sa tuwing tatangkain kong tumakas, lagi niya akong hinahampas ng kanyang mga pakpak at paa.
“Nasa isang daan pa ang kailangan mong pirmahan. Hindi ko na kasalanan kung masakit iyang kamay mo. You should blame your crown,” panenermon niya. Tinapunan pa nga niya ako ng masamang tingin kasabay nang paglapag niya ng isang papel sa harapan ko gamit ang kanyang tuka. Napabusangot na lamang ako.
Makaraan ang ilang segundo, biglang nag-ring ang phone ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Principal Oak doon. Kaagad ko itong sinagot.
“Princess, she knew already.”
“Thanks, Principal. Papunta na po ako riyan.” Napangiti ako sa tuwa at sumulyap kay Natre, “Tara sa aleid.”
“Paano ang mga documents? Hindi mo pa tapos.”
Umangat ang kilay ko. Hindi niya yata naintindihan ang sinabi ng principal. “Makakapaghintay iyan. Uunahin ko muna ang kapatid ko. Alam niya na ang totoo kaya tara na.”
Nang tumayo na ako, dali-dali siyang lumipad at dumapo sa aking kanang balikat. Kaagad kaming nag-teleport patungo sa opisina ng principal. Nadatnan namin siyang seryosong nakikipag-usap kay Dylan sa kanyang desk.
“Where is she?” Sabay silang tumayo noong makita ako. Tinignan ko ang buong lugar ngunit hindi ko mahagilap si Rhein. “Ba’t wala siya rito?”
“Nasa opisina ko siya kasama si Forelody at Tyler. Nawalan siya ng malay kanina matapos akong konprontahin,” sagot ni Dylan. Binigyan ko siya ng isang tinging may pagbabanta. Naintindihan niya agad ang ibig sabihin n’on kaya namilog ang mga mata niya sa takot at nagpaliwanag. “It’s not what you think! Wala akong ginawang masama sa kanya. Dahil siguro sa pagod kaya hayun, nawalan na ng malay.”
“Kakatapos lang na ganapin ang selection para sa ranking ng mga estudyante,” wika naman ni Principal Oak. “Maybe, she overused her magic but, I doubt that. Paniguradong dahil iyon sa kanyang transition sa pagiging tunay na hwizta mnarillaza.”

BINABASA MO ANG
Ruihnas
FantasyRhein Gomez - namulat lamang siya sa isang ordinaryong buhay bilang tao. Namumuhay nang simple kasama ang kanyang nag-iisang nakatatandang kapatid, pumapasok sa isang eskuwelahan, nagkakaroon ng kasiyahan kasama ang mga kaibigan, at higit sa lahat...