RHEIN'S POINT OF VIEW
Ito ang araw na pinakainaasahan ko magmula noong makarating ako rito sa Mnarr Palace. Yes, it's definitely our family day today!
Madaling araw pa lang, naghanda na kami para sa pag-alis. It was an unannounced day of the royal family. May pagkapasaway din ang mga magulang namin, eh. Ayon sa 'Book of Rules of the Mnarra Royalties', 'royals are as clear as the crystal water'. However, here we were, sneaking away and leaving the commands to the mighty generals, Justin, and Kuya Dylan.
Sa silid nina Papa kami nagkita-kita. Sinigurado naming handa ang mga pagkain at pati ang aming mga ordinaryong kasuotan. Sabi ni Ate Rona, baka may mga mangangaso raw na makakita sa amin at ipagkalat ang lihim naming kasiyahan. Mas mainam na ang mag-disguise bilang isang pamilyang manlalakbay.
Papasikat na ang araw nang kami ay mag-teleport patungo sa labas ng likod ng palace grounds. Hindi kami napansin ng mga kawal na nagbabantay dahil itinago kami ni Papa sa isang uri ng mnarill barrier na kayang magtago ng presensya. Dalawa lamang sila ni Mama na kayang gawin ito. Sa lagay naming magkapatid ngayon, imposible pa ang paggawa ng ganitong uri ng barrier dahil masyado itong high-leveled.
"Do you still remember our usual race back then?" nakangising tanong ni Papa sa amin.
Noon, kapag naiisipan nina Papa na magkaroon ng family date, laging sa isang park kami pumupunta. At sa bawat pagpunta, laging nagtatago ng isang kahon si Papa sa maisipan niyang sulok sa loob ng park. Ang kahon na iyon ay may laman na reward, kadalasan ay special cupcake or candies. Treasure hunting, kumbaga.
"We do. Si Rhein nga ang laging panalo," sagot ni Ate. Tinusok niya pa ang gilid ng baywang ko. Pakiramdam ko tuloy, nabutas ang tela ng suot kong brown cloak kaya lihim ko itong ini-check. Mabuti, walang butas.
"Minsan nga po akong umiyak dahil sumakit ang ngipin ko sa pagkain ng matamis," pagsimangot ko.
Nagsitawanan sila. Paanong hindi? Ipagsigawan ko ba naman kasi noong ikakamatay ko ang sirang ngipin at 'pag namatay ako, puwedeng hindi ako tanggapin sa heaven dahil hindi na perfect ang mga ngipin ko. Thanks to my sister who kept on telling odd stories when I was a kid.
Tumawa rin si Forelody. Hindi naman ito nakakagulat. Nagmula siya sa akin kaya we shared the same memory of childhood.
"But this time is different," wika ni Papa, nakangiti pa rin, "hindi kahon ang hahanapin natin kundi isang bahay."
"Tama siya, Rhein, Rona. Wala kayong dapat ikabahala. Iyon lang ang nag-iisang bahay dito sa loob ng gubat," dagdag naman ni Mama.
Kumunot ang noo ni Ate, kita sa kanya ang pagtataka. "Maraming beses na po ang punta ko rito. Wala namang kahit isang bahay dito."
"We made one through a building enchantment yesterday," sagot ni Papa. "Ang unang makakarating doon ay may surprise from us. Either each of one of you, whoever wins, will absolutely like it."
Nagkatinginan kami ni Ate. Nagsusukatan kami ng tingin hanggang sa napangisi.
"O, mukhang umaandar na ang competitive sides ninyo, ah." Humalakhak si Papa at napailing-iling. Marahil ay iniisip niyang isip-bata pa rin kami. "O, sige. Sagarin na natin ang firing spirits ninyo. Clue for the reward . . . it is a weapon."
Nagkatinginan muli kaming magkapatid at nakipag-high-five sa isa't isa. With a final quick glance from each other, we ran separately as fast as we could.
Hindi lamang ang mnarill ang ginagamit na sandata sa mundong ito. Gumagamit din ang mga mnarillazas ng mga pisikal na sandata katulad ng espada, palaso, at sibat. Ito ay sa kadahilanang may mga nag-e-exist na enchantment na kayang ipawalang-bisa ang paggamit ng mnarill at may mga lugar na kayang itago pansamantala ang mga taglay na kapangyarihan sa tuwing mapunta ka sa loob nito. Sa madaling salita, ginagamit ang pisikal na sandata sa tuwing hindi maaaring gumamit ng mnarill.

BINABASA MO ANG
Ruihnas
FantasyRhein Gomez - namulat lamang siya sa isang ordinaryong buhay bilang tao. Namumuhay nang simple kasama ang kanyang nag-iisang nakatatandang kapatid, pumapasok sa isang eskuwelahan, nagkakaroon ng kasiyahan kasama ang mga kaibigan, at higit sa lahat...