RONA'S POINT OF VIEW
"Sa wakas, tapos na!" Napahampas pa ako dahil sa tuwa matapos pirmahan ang huling dokumento.
Sa kasamaang palad, masyadong napalakas ang hampas ko kaya tila lumindol ang desk. Natumba ang nagpatong-patong na mga papeles na halos umabot hanggang kisame at kumalat sa loob ng aking opisina.
Muntik pang matabunan si Natre. Mabuti na lang, alerto siya at mabilis na lumipad.
"Gumawa ka na naman ng panibagong task, Princess," komento niya. Sinamahan niya pa ito ng pailing-iling. Aba, siya pa talaga ang namromroblema?
Kung tutuusin, ako naman ang gumagawa ng lahat. Dapat pati nga siya ay marami ring tasks dahil siya ang pracien ko. Ngunit dahil sa mabait ako, kaunti lang ang ibinibigay ko sa kanya. Tapos ngayon, kung umasta siya, parang siya itong nahihirapan. Baka tanggalan ko pa siya ng balahibo, eh.
"Don't worry. It is my task, not yours," I said. Tinapunan ko siya ng masamang tingin at pinulot na lamang ang mga papel. Tinulungan niya rin ako sa pag-aayos kalaunan.
Lumabas muna kami para magpahangin sa garden. Kakaupo ko pa lang sa isa sa mga bench doon nang may na-sense akong medyo malakas na mnarill. Kunot-noo akong napatingin sa bintanang nasa ikatlong palapag ng palasyo. Ito ang bintana ng clinic ni Doc Min - ang royal healer na isang ofris mnarillaza.
"What do you think, Natre? Ba't kaya gumagamit ng malakas na healing mnarill si Doc?" tanong ko sa aking kasama.
"For cure. Iyon naman ang gamit ng healing mnarill, hindi ba?" sagot niyang nagpasimangot sa akin. "O, bakit ganiyan ka tumingin? Tama naman ang sinabi ko."
"I don't mean it like that. Kapag simple injury lang, mahina lang ang ginagamit niyang healing mnarill. Medyo malakas ang ginagamit niyang mnarill ngayon kaya paniguradong malubha rin ang injury na ginagamot niya. Sa tingin mo, sino kaya ang pasyente niya?"
"Sino ba ang kadalasang nakakatamo ng mga matinding injuries sa katawan? Hindi ba ay mga kawal at ang mga generals? Marahil ay nasobrahan ang kung sinumang iyon sa pag-eensayo."
She had a point pero hindi pa rin ako kumbinsido kaya nagdesisyon akong magtungo roon. "Check nga natin."
Nasa bintana pa rin ang tingin ko noong tumayo ako at nagsimulang maglakad. Nagkataon namang may sumandal doon. Kahit na naka-sideview siya at malayo sa kinaroroonan ko, kaagad ko siyang namukhaan.
"Si Dylan iyon!" bulalas ni Natre. Tumango ako.
Kinutuban ako ng masama nang makita ang ngisi ng loko. Mas nagmadali akong nag-teleport.
Kumatok ako ng ilang beses sa pinto bago ito binuksan. Sinalubong ako ni Dylan. Kita sa mukha niya ang gulat ngunit nakabawi rin siya at ngumiti. "What brings you here, Princess? Injured ka rin?" pagtatanong niya.
"Sino ang ginagamot sa loob?"
"Si Princess Rhein."
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa nalaman. "Ano ang nangyari? Paano siya nasaktan? Napaano siya? Alam na ba ito nina Papa?"
"Nauna na nilang nalaman. In fact, ang hari ang nag-utos sa akin na i-test ang physical capabilities niya kanina."
"Wait, what?!" nabingi yata ako sa kanyang sinabi, "Don't tell me na ikaw ang nag-injure sa kan-"
"It was me."
Tumalim ang mga tingin ko habang nakatitig sa nakangiti niyang pagmumukha. Grabe, napakasarap ilampaso.
RHEIN'S POINT OF VIEW
"Shush. Huwag kang mag-ingay."
"Ikaw ang manahimik. Kanina ka pa salita nang salita."
BINABASA MO ANG
Ruihnas
FantasyRhein Gomez - namulat lamang siya sa isang ordinaryong buhay bilang tao. Namumuhay nang simple kasama ang kanyang nag-iisang nakatatandang kapatid, pumapasok sa isang eskuwelahan, nagkakaroon ng kasiyahan kasama ang mga kaibigan, at higit sa lahat...