RHEIN’S POINT OF VIEW
Teka, ano?! Kaagad akong tumayo at iginala ang aking paningin sa paligid. Maingat akong naglakad palabas para hindi ko magising si Forelody. Tahimik akong nagmasid.
“Rhein, tara na ba?” Humihikab pa si Forelody nang balikan ko siya sa loob. “Maaga pa, ah.”
Nainggit yata ang sarili ko kaya napahikab din ako. Sumulyap ako sa bungad ng kuweba. Medyo maliwanag na. “The earlier, the better,” nakangiting tugon ko.
Binuhat ko siya at inilagay sa loob ng front pocket ng hoodie ko. Maluwang naman ito kaya may sapat na hanging puwedeng pumasok para hindi siya mainitan.
“Rhein?” Tila nabuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa ginawa ko. Inilabas niya ang kanyang ulo sa butas ng bulsa at tumingala sa akin. “Ba’t mo ako nilagay dito?” naguguluhang tanong niya.
“Inaantok ka pa, eh. Matulog ka muna riyan.”
Pagkatapos kong mailigpit ang mga gamit namin, pinagmasdan kong tila namamaalam ang kabuoan ng kuweba. Awtomatikong kumunot ang noo ko nang mapansing umuusok pa rin ang mga kahoy na ginamit naming panggatong kagabi. Kakaiba talaga ang mundong ito, pati kahoy, matagal mamatay ang apoy.
Dahan-dahan kong ipinasok paloob ang ulo ng pracien ko. Nakatulog na siya ulit at humihilik na rin.
Masaya akong lumabas at nag-inat. Tumalon ako sa isang sanga ng puno at dinama ang lamig ng umaga sa aking balat. Kita ko rin ang papasikat na araw sa silangan.
“Good morning, Mnarra.”
DYLAN’S POINT OF VIEW
Mataas na ang sikat ng araw ngunit, heto, wala pa ring nangyayaring nakaka-thrill sa kanila. Gaya ng ginawa ko kahapon, sinundan ko sila sa pamamagitan ng pagtalon-talon sa mga puno.
“Hoy, Dylan, ba’t napakalayo natin sa kanila?”
Tinignan ko nang masama ang partner ko. “Ngayon mo lang napansin? Napakabagal naman ng mga senses mo.”
“Not really. Nasarapan lang ako masyado sa mga berries kanina.”
“Okay.” Muli kong ibinalik ang tingin ko sa direksyon nina Rhein. Hindi ako puwedeng magkamali, alam niya na. “I have this feeling that she already knew that someone’s following her.”
“Ngumingiti ka na naman,” sambit ng kasama ko.
“Alam ko.” Pinapamangha niya na naman ako, how could I stop myself from smiling?
Habang tumatagal, mas lumalala ang pagkabagot ko. Mukhang walang pagsubok na nai-setup si Princess Rona ngayon.
Napahikab ako at nag-inat. Tumalon ako papunta sa isang punong malapit na sa kanyang nilalakaran.
Medyo hinampas ng pracien ko ang kanyang isang pakpak sa pisngi ko. Lagi niyang ginagawa iyon kapag kinakabahan siya. “Hoy, what are you planning to do?” he asked, in-panic.
“Relax lang.” Ngumisi ako at kumindat. “It’s time to show-off.”
RHEIN’S POINT OF VIEW
Sa haba ng mga oras na nilakad ko, kahit minsan, hindi pa ako nakakainom ng tubig. Sobra na ngang nanunuyo itong lalamunan ko. Kaya hayun, noong makakita ako ng ilog sa hindi kalayuan, kumaripas na ako ng takbo. Dali-dali kong inilabas ang water container mula sa loob ng aking bag at kumuha ng tubig. Mabuti na lamang dahil malinaw ito at malamig pa. Kaagad akong uminom.
“R-rhein?” Napatingin ako kay Forelody. Nanghihina siyang lumabas mula sa bulsa ko. Mukhang nahilo siya dahil sa pagtakbo ko.
Napatawa ako sa aking sarili. “Sorry, ha? Masyado kasi akong na-excite kanina. Sobra na akong nauuhaw, eh.”

BINABASA MO ANG
Ruihnas
FantasyRhein Gomez - namulat lamang siya sa isang ordinaryong buhay bilang tao. Namumuhay nang simple kasama ang kanyang nag-iisang nakatatandang kapatid, pumapasok sa isang eskuwelahan, nagkakaroon ng kasiyahan kasama ang mga kaibigan, at higit sa lahat...