RHEIN'S POINT OF VIEW
Pagpasok namin ni Forelody sa training area, sinalubong ako ni Justin. Nakangiti siya kaya ngumiti rin ako. Nakasuot din siya ng simpleng damit - black shirt, pants, at rubber shoes.
Pasimpleng hinanap ng aking paningin si Kuya Dylan ngunit wala siya.
"Narito na sila, Princess."
Bumukas muli ang pintuan at pumasok ang The Great Elemental Generals kasama ang kanilang mga praciens. Literal na nanlaki ang mga mata ko at napanganga.
Maskulado, malalaking katawan, kasintigas ng bato ang mukha, at nababalot ng mga scars - hayan ang inakala kong mga hitsura nila. Hindi ko inakalang napakaguwapo nila at mukhang nasa thirties pa lang ang edad.
Simpleng damit lang din ang kanilang suot kagaya namin ni Justin. Ang bawat isa sa kanila ay may sariling kulay. Mula sa kaliwa hanggang kanan - red for fire, yellow for earth, green for forest, and blue for water.
Nag-bow sila upang ipakita ang paggalang. Dahil sa namamangha pa rin ako sa kaguwapuhan nila, hindi ko agad namalayang napalibutan na nila ako. Nakangisi silang lahat.
"It is nice to meet you, Princess Rhein," wika ni Fire General, "Matagal na naming gustong makilala ang younger sister ni Princess Rona."
"Ganoon din po sa inyo. Kung hindi po ninyo mamasamain, puwede ko po bang malaman ang mga pangalan ninyo?" tanong ko, palusot lamang upang itago ang kaba ko. Sinabi ni Mama kaninang laging bugbog-sarado si Ate Rona sa mga ito noong nagtre-training pa lamang siya.
"Sorry, Your Highness, ngunit tanging ang hari lamang ang maaaring makaalam ng aming mga tunay na pangalan at identities," paghingi ng paumanhin ni Forest General.
Gusto kong tanungin kung bakit ngunit hindi ko na itinuloy. Paniguradong may matinding rason.
Muling nagsalita si Fire General, "Sinabi ni Dylan na nadurog daw ang mga buto mo nang talunin ka niya, Princess Rhein."
Kaagad na sumama ang pakiramdam ko. Alam ko naman kung ano ang naging resulta ng assessment, eh. Kailangan pa bang ipaalala sa akin ng general na ito?!
"Rhein, relax ka lang," bulong ni Forelody, "Hinahamon ka lang nila. Kontrolin mo ang emosyon mo, Pracien."
Ngumiti ako at tumango, "Yes, I was defeated. Malupit po pala si Kuya Dylan pagdating sa labanan. Hindi halata sa hitsura."
"Mahusay talaga ang batang iyon kahit na paloko-loko. Kaya nga niyang makipagsabayan sa amin," tugon naman ni Earth General.
Kaya ni Kuya Dylan na makipagsabayan sa kanila?! Tumatanggi ang sarili kong maniwala. Aware akong magaling nga siya ngunit ang kayang makipagsabayan sa mga royal generals, mahirap paniwalaan.
"Cool then." Ngumiti ako ulit at iniba na lamang ang usapan, "Magsisimula na po ba tayo?"
"Sige, Your Highness."
Sabay-sabay nila akong sinugod. Kaagad akong tumalon sa likuran ni Forest General dahil sa gulat. Tuloy pa rin sila sa pagsugod kaya kumaripas ako ng takbo palayo. Humigpit ang kapit sa akin ni Forelody.
"I thought this is a training!" sigaw ko habang umiiwas sa mga ibinabato nilang mga energy balls. Nakakataranta! Takbo lang ako nang takbo kaya noong mapagod na ako, huminto na ako at gumawa ng transparent barrier.
"It is, Princess Rhein, kaya huwag kang tumakas!" sagot ni Justin. Pinagtatawanan pa niya ako. Hindi nga ako nakapaghanda agad kaya naduwag ako. Malamang ay awtomatikong tatakas ako!
Pinukulan ko ng tingin ang mga generals na patuloy pa rin sa pag-atake. Napangisi na lang ako. May mga namuong light chains sa paligid nila. Dahil nasa akin ang kanilang atensyon, hindi nila iyon napansing gumapos sa kanilang mga katawan.

BINABASA MO ANG
Ruihnas
FantasyRhein Gomez - namulat lamang siya sa isang ordinaryong buhay bilang tao. Namumuhay nang simple kasama ang kanyang nag-iisang nakatatandang kapatid, pumapasok sa isang eskuwelahan, nagkakaroon ng kasiyahan kasama ang mga kaibigan, at higit sa lahat...