JUSTIN'S POINT OF VIEW
Katulad ng mga kaibigan ko, isinigaw rin ng mga humahanga sa amin ang aking pangalan. Imbes na matuwa ako dahil sa kanilang mga suporta, hindi ko magawa. How annoying.
"Start!"
Seryoso kong tinignan si Rhein. Ayaw ko siyang labanan dahil una sa lahat, hindi niya pa alam ang mga tunay niyang kapangyarihan. Alam ko ang tungkol doon dahil napapansin ko siya sa loob ng gymnasium na puro kapangyarihan lang ng ofris mnarillaza ang kaya niyang gawin.
"Are you still going to fight me despite your condition?"
Unti-unting kumurba ang kanyang mga labi. Hindi ko alam but it gave me chills. Even she is a hwizta mnarillaza, she has also this scary aura like her parents.
"Bakit naman hindi? Tell me. Are you underestimating me dahil lang sa isa ka nang fully-transitioned deore mnarillaza?"
"Hindi." 'It's just that I don't want to hurt you.' Gusto kong sabihin iyon sa kanya ngunit baka isipin niyang tinatamaan ko ang kanyang pride kaya kinimkim ko na lang.
"Mabuti naman dahil kung oo, baka pagsisihan mo."
Mabilis akong napatalon nang biglang may tumubong mga vines sa aking inaapakan. Noong lumapag ako, may tumubo ulit sa bago kong kinatatayuan. Tuloy-tuloy lamang ako sa pagtakbo at pag-iwas dahil mabilis din ang mga itong humabol sa akin.
Sinulyapan ko si Rhein. Seryoso na itong nakatingin sa akin. Tumingin ako sa aking likuran. Hindi matatapos ang habulang ito kung hindi ako titigil. Huminto ako at hinagisan ang mga ito ng dark energy balls. Kaagad kong hinawakan ang sahig at naglabas ng mnarill. Nangitim ang buong sahig at nagbitak-bitak. Namatay ang kanyang mga vines at naging abo dahil doon.
Ako naman ang ngumisi. "Now, how are you going to defeat me with this poisonous land? Sumuko ka—" Hindi ko na natapos ang aking sinasabi nang umihip ang hangin. Lumakas ito nang lumakas hanggang sa nakagawa ng napakaraming ipo-ipo sa aming paligid. Muntik ko nang makalimutan, kaya rin palang kontrolin ng mga ofris mnarillazas ang hangin.
Naglabas ako muli ng mnarill sa ere. Naging itim ang mga ipo-ipo at ako na ang may kontrol ng mga ito. Hindi man lang nagulat si Rhein nang malamang hindi niya na makontrol ang mga iyon.
Pinagalaw ko ang mga ito palapit sa kanya. Matulin siyang gumalaw at tumalon para umiwas ngunit huli na nang makulong siya ng limang ipo-ipo.
Humiyaw ang mga fans ng JAZA dahil paniguradong panalo na ako. Subalit, tumahimik din sila dahil sa sunod na nakita.
Noong naglaho na ang mga itim na ipo-ipo, wala si Rhein doon. Tuluyan na akong kinabahan nang marinig ko ang kanyang boses sa aking likuran. Hindi ko alam kung paano nangyari ngunit isa lamang ang nasa isip ko, alam niya na ang mga totoo niyang kakayahan. Nagawa niya nang mag-teleport.
"Surprised?"
Pagkaharap ko sa kanya, itinutok niya ang dulo ng kanyang light sword sa aking leeg. Tinitigan ko siya. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. Sobrang napakakalmado niya kumpara noong una kaming nagkita.
Nag-teleport din ako at dumistansya sa kanya. Gumawa rin ako ng dark sword at inihanda ang aking sarili.
Lumitaw ang napakaraming dark energy balls sa ere sa aming paligid at pinabulusok ang mga ito sa kanya. Hindi na siya nag-abalang umiwas. Awtomatikong nagkaroon ng light barrier sa paligid niya. Sa halip na sumabog roon ang mga bolang enerhiya ko ay naipon lamang ang mga ito roon at unti-unting naging puti. Sinubukan kong kontrolin ulit ang mga ito ngunit to no avail. Masyadong malakas ang mnarill niya.
BINABASA MO ANG
Ruihnas
FantasyRhein Gomez - namulat lamang siya sa isang ordinaryong buhay bilang tao. Namumuhay nang simple kasama ang kanyang nag-iisang nakatatandang kapatid, pumapasok sa isang eskuwelahan, nagkakaroon ng kasiyahan kasama ang mga kaibigan, at higit sa lahat...