RHEIN’S POINT OF VIEW
“Rhein.”
Sa ikaapat na pagkakataon kong marinig ang pagtawag, alam ko na kung saan nagmumula ang boses. Wala ito sa paligid ko, nasa loob ng aking isipan. Sobrang lakas nitong tila ba nakatutok sa mismong mga tainga kaya paniguradong tama ang aking hinala.
‘Sino ka?’ tanong ko gamit ang isip.
‘Rhein.’
Kumunot ang noo ko, dala ng pagtataka. Bigla akong nawalan ng kontrol sa aking katawan. My body moved by itself towards the forest, found at the back of the palace. Nawalan din ako ng kontrol sa aking bunganga kaya hindi ako makasigaw para humingi ng tulong. Sinubukan ko ring i-reach sila Ate Rona through mind communication but to no avail. May mga deore mnarills na humaharang sa mga mnarills ko. Tanging ang paningin ko lamang, pandama, at pandinig ang mga gumagana sa akin ngayon.
Nakakapagtakang wala man lang ako makasalubong kahit na isang kawal. Kagagawan din kaya ito ng sinumang kumokontrol sa akin? Posible nga. Subalit sa pagkakaalala ko, may barrier at mga enchantments na inilagay sila Papa sa palibot ng palasyo para sa mga kalaban.
‘Rhein.’
Pati ang gate sa likod ay walang nagbabantay. Naiwan pa itong nakabukas.
Deore mnarills? Deore mnarillaza si Justin. Siya ba ang gumagawa nito? Pasok at labas siya sa palasyo kaya hindi na nakapagdududang walang bisa ang barrier sa kanya. Ngunit naniniwala akong hindi niya gagawin ang ganitong prank, and also, not in a time like this. I am sure that he is fully aware that I am part of the royal family. Malalagot siya kung sakali. Kung si Kuya Dylan pa, maniniwala pa akong kaya niyang gawin ang ganitong kalokohan but speaking of him, isa siyang meithi mnarillaza.
Maliban kay Justin, may isa pa akong alam na maaaring ako ang target niya ngayon. Hindi kaya ang deore mnarillaza ang gumawa nito? Pero paanong nangyari . . . paano siya nakalagpas sa barrier? ‘Di ba’t dapat ay hindi nakakapasok ang mga kaaway? Minsan nang nabanggit ni Mama na kanyang kapatid ang deore mnarillaza. Maaari nga . . . maaaring hindi siya itinuturing na isa sa mga kaaway nila Mama . . . pero . . . bakit?
‘Rhein.’
Kung siya nga, bakit? Bakit siya nakalagpas sa barrier? Bakit niya ako kinokontrol ngayon patungo sa gubat? Bakit niya ako tinatawag? Bakit ako?
Habang palapit ako nang palapit sa kalagitnaan ng gubat, unti-unting lumilinaw ang tinig. Tama ang hinala ko, siya nga. Salamat sa buwan. Tumatagos ang sinag nito sa mga sanga at dahon ng mga puno kaya kitang-kita ko siya. Nakasuot siya ng itim na cloak kagaya noong huli ko siyang nakita. Hindi ko pa rin makita ang kanyang mukha.
“Rhein.”
Huminto ang katawan ko sa paglakad, ilang metro ang distansya mula sa kanya. Hindi ko pa rin makontrol ang sarili. Kayang kontrahin ng mnarill ko ang sa kanya pero masyado pa itong mahina.
“Rhein.” Sa huli niyang pagtawag sa pangalan ko, bigla akong nakaramdam ng matinding kirot sa ulo ko. Sumisigaw ako ngunit bakit tila nabingi ako. Hindi ko marinig ang sarili kong sigaw.
Namalayan ko na lamang ang sariling nakahiga sa madamong lupa. I felt the mixture of extreme pain and tiredness in me. Dinalaw ako ng matinding antok. Dahil sa pagod, I let myself fall asleep.
“Taya!”
“Taya ka rin!”
May dalawang batang babaeng masayang naglalaro ng habulan sa harapan ko – isang nakasuot ng puti at isa namang nakasuot ng itim na bestida. Sigurado akong kambal sila dahil kahit sa anong anggulo ko tingnan, magkamukhang-magkamukha sila.

BINABASA MO ANG
Ruihnas
FantasyRhein Gomez - namulat lamang siya sa isang ordinaryong buhay bilang tao. Namumuhay nang simple kasama ang kanyang nag-iisang nakatatandang kapatid, pumapasok sa isang eskuwelahan, nagkakaroon ng kasiyahan kasama ang mga kaibigan, at higit sa lahat...