Chapter 12: Entrance Examination

63 51 2
                                    

RHEIN’S POINT OF VIEW

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang nakasakay kami sa pracien ni Great Crescent Master na si Ubeo. Isa itong dambuhalang ibong may purong violet na mga balahibo.

Sa unahan nakaupo si Allie at sa kanyang likod naman ako. Sa gitna namin pinaupo sina Owlice at Forelody dahil baka matangay sila ng hangin.

Mahigit kalahating oras na rin kaming naglalakbay sa himpapawid. Kitang-kita namin ang tanawin ng mga kabundukan sa ibaba.

“Allie, malayo pa ba tayo?”

Tumaas-baba ang kanyang balikat. “Hindi ko alam. I’ve never been there. Ngayon lang naman ako makakapunta roon.”

Tumingin ako kina Forelody para humingi ng sagot ngunit pag-iling lamang ang ibinigay nila.

“Hindi namin makita ang kalupaan kaya hindi namin masasabi kung malapit na tayo o hindi pa,” tugon ni Owlice. Hindi gaya ng pracien ko, malumanay ang boses nito.

“Walong kilometro pa ang ating lalakbayin,” saad ni Ubeo. Mukhang narinig niya ang aming pinag-uusapan kahit na abala siya sa paglipad.

Kalahating oras pa ang nakalipas, nakarating na kami sa labas ng academy. Ibinaba kami ni Ubeo sa ilalim ng isang puno at bumalik na sa Abracadabra Town matapos naming magpaalam.

Pinagmasdan namin ang kabuoan ng paaralan. Ibang-iba ito sa mga paaralan sa mundo ng mga tao. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong malapalasyong eskuwelahan.

Kapansin-pansin ang blue barrier na nakapalibot dito. Marahil ay ito ang nagsisilbing proteksyon mula sa mga masasamang mnarillazas.

“Now, how are we going to enter this school?” malamig na tanong ni Allie.

Huminga ako nang malalim. Pareho lang naman kami. “Hindi ko alam. Maybe, we should wait until they notice—” Hindi ko na natapos ang aking sinasabi dahil mabilis akong nag-backflip nang maramdaman ang punyal na papunta sa akin. Sa halip na tumama ito sa aking binti, sa madamong lupa ito bumaon.

Nilingon ko si Forelody para tignan kung maayos lang siya. “Okay lang ako, Rhein. Hindi ako mahuhulog dito sa balikat mo dahil mahigpit ang kapit ng mga paa ko. Magtiwala ka, kaya kong makisabay sa mga mabilis mong kilos,” wika niya sabay kindat na nakapagpangiti sa akin.

Kaagad namang gumawa ng ice wall si Allie kung saan doon tumarak ang punyal na para naman sa kanya. Nanatili siyang kalmado gaya ko.

Paniguradong ito na ang pagsubok na tinutukoy ni Lolo Lembo sa kanyang nalalaman sa pagpasok sa paaralang ito – batuhan pala ng punyal. Hindi ba alam ng mismong namumuno ng paaralang delikado ang ganitong paraan?

Akala namin, doon na matatapos iyon ngunit, naging sunod-sunod na ang pagbulusok ng mga patalim mula sa iba’t ibang direksyon. Sobrang dami nito kaya dumikit ako sa likuran ni Allie.

“Gumawa ka ng ice barrier,” sabi kong agad naman niyang sinunod.

Dali-dali akong umupo at hinawakan ang madamong lupa gamit ang aking dalawang palad. Nagsilabasan sa paligid namin ang napakaraming vines na may tinik. Ang mga ito ang sumalo sa mga patalim.

Pagkaraan ng ilang sandali, huminto na sa paggalaw ang mga vines ko – hudyat na wala nang patalim na papunta sa amin. Kasabay ng pagtayo namin ni Allie ang paglaho ng barrier niya at ng aking mga vines. Nagkalat ang mga punyal sa paligid.

“Congratulations,” nakangiting bati ng isang babaeng sa tingin ko ay nasa edad forties na. Nakatayo ito ilang metro ang layo sa aming kinatatayuan at may hawak na tig-isang punyal sa kanyang mga kamay. Base sa pormal nitong suot, hindi na kailangang sabihing siya ang tagapamahala ng paaralan. “Call me ‘Principal Oak’. I—as the principal of this school—would like to personally welcome you. Welcome to the Mnarill tes Aleid.”

RuihnasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon