Chapter 32: Bee

16 3 1
                                    

RHEIN'S POINT OF VIEW

Malakas ang pagkatok ko sa kanyang pinto. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago niya iyon binuksan. Papikit-pikit siya habang nakatingin sa akin. Marahil ay kakagising niya lamang.

"Hmm?"

Hindi ko na talaga mapigilan ang inis ko sa ginawa niya. Handa na talaga akong baliin ang kanyang mga buto. "You-"

"O, dumating na pala," nakangiting saad niya.

Halos hindi ko na mapansin ang sunod na nangyari. Kinontrol niya ang oras. Namalayan ko na lang ang sarili kong nakahiga sa kama niya kasama siya.

"What do you think you are doing?" inis kong tanong.

"Hugging you." Wala man lang epekto sa kanya ang pagbabanta sa boses ko. Nakangisi pa siya sa akin habang papikit-pikit.

Pinilit kong hawiin ang kanyang brasong nakapatong sa ibabaw ng aking tiyan ngunit hindi pa rin ito nagpatinag. Masyado siyang malakas.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bibitawan mo ako o isusumbong kita kay Ate Rona?" pagbabanta ko.

"How come a stuffed toy had a sibling?" tanong naman niya.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Stuffed toy? Maigi ko siyang tinitigan. Papikit-pikit pa rin siya at tila inaantok. Nananaginip ba siya?

Humigpit ang kanyang yakap. "Damn. You are so soft," bulong niya at mas inilapit ako sa kanya. Gosh! Wala siyang suot pang-itaas at tanging itim na shorts lang ang suot niya. Kinilabutan pa ako nang maramdaman ang hininga niya sa aking leeg. It was too intimate!

Gumala ang aking paningin sa loob ng silid, cream interior design at mas simple kumpara sa silid ko. Maayos ang lahat ng mga gamit. Hindi mo talaga aakalaing room ito ng lalaki.

Hinanap ko si Tyler ngunit hindi ko siya makita sa loob. Bukas ang bintana kaya marahil ay lumabas siya.

Muli kong hinawi ang braso niya ngunit ayaw pa rin. "Kuya Dylan, gising ka nga!" sigaw ko. Niyugyog ko pa ang kanyang balikat. Ngumiti lang siya ulit at pumikit na. "Hey!"

"Bee stuffed toy that speaks. How amusing."

Napabuga ako ng hininga. Inis na inis na ako nang dahil sa ginawa niyang pagbali ng mga buto ko. Nadagdagan pa ngayon ng pagkainsulto. Pinagkamalan ba naman akong human-sized bee stuffed toy!

Kahit ano ang gawin kong paghawi at pagbangon, ayaw niya pa rin akong bitawan. Nagtataka na tuloy ako kung tulog ba talaga siya o nagtutulug-tulugan lang.

Naging kademonyohan na ang naipon kong inis. Rinig na rinig sa loob ang pagbali ko ng kanyang kanang braso. Sinundan iyon ng pag-alingaw-ngaw ng kanyang sigaw. "Aaaaaahh!"

Bago pa niya maproseso sa utak niya ang nangyari, nag-teleport na ako paalis. Dahil sa enchantment, imbes na sa sariling silid mapunta, sa vacant guest room ako nadala ng teleportation mnarill ko. Napatawa na lamang ako sa sariling kalokohan.

Mamaya ko na lang dagdagan ang injury niya. Kaunti pa lang iyon kumpara sa nagawa niya sa akin.

DYLAN'S POINT OF VIEW

"Kumusta ang karma?" Inirapan ko si Tyler. Kakapasok lamang niya sa bintana. Nagawa pa niya akong asarin. He already saw me in pain. He should be worried.

"Heto. Broken arm," I answered with sarcasm. Maingat kong isinuot ang white shirt na galing sa cabinet na nasa tabi ng kama. Inalalayan ko ang aking baling braso upang hindi gaanong masaktan.

"May ginawa ka na ngang hindi kaaya-aya sa prinsesa, ginawan mo pa ng kalokohan. Hayan ang kinalabasan."

Ngumiwi ako dahil sa sakit ng braso ko. Nagsimula na itong mangitim. Kung hindi sana ako nagpanggap na nananaginip, hindi sana ako mababalian. Ngunit kahit papaano, sulit naman.

RuihnasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon