Chapter 15: First Day in Class

54 35 0
                                    

RHEIN’S POINT OF VIEW

Napatingin ang ilang estudyante sa amin, kasali na ang JAZA, noong pumasok kami at umupo sa mga bakanteng upuan sa likuran. Marahil ay nagtataka sila kung bakit kami narito. Bago pa man kami mapagtsismisan, mabilis akong tumayo at nagpakilala.

“Kami ang mga bago ninyong makakasama sa klaseng ito.” Tumikhim ako bago nagpatuloy. “Her name is Allie Frost. She came from Abracadabra Town. Isa siyang mixed-typed mnarillaza kaso considered na siyang special-typed. She has both aias and aiasho mnarills. Pagpasensyahan na ninyo kung ako ang nagpakilala sa kanya. Hindi kasi siya mahilig magsalita.” Sunod ko namang ipinakilala ang aking sarili habang nakangiti pa rin. “At ako naman si Rhein Gomez. Nagmula ako sa human world. Hindi pa ako fully-transitioned ngunit isa akong hwizta mnarillaza.”

Lihim akong napailing-iling nang marinig ko ang kanilang bulungang isa akong prinsesa. Inakala rin nila akong isang may dugong-bughaw katulad ng mga kaibigan ko.

Kaagad ko itong nilinaw sa kanila. “Isa akong hwizta mnarillaza ngunit hindi ako isang member ng royal family nor a member of the Lithosowan Clan.”

“Good morning.” Dali-dali silang nagsiayos nang dumating ang aming teacher. Binigyan namin ng panandaliang ngiti ni Allie ang isa’t isa. Heto na. Simula na nga ng unang araw namin sa academy.

Naramdaman ko ang seryosong tingin sa akin ni Justin kaya tumingin ako sa kanyang direksyon. Dali-dali itong umiwas ng tingin nang mapansing nahuli ko siya. Paniguradong masama pa rin ang loob niya dahil sa nangyari kanina.

Sa buong maghapon, masasabi ko namang masaya naman kahit papaano ang mag-aral dito sa Mnarill tes Aleid. Kahit na istrikto ang mga guro, nagbibiro rin naman sila minsan.

“Kumusta? Hindi ka ba pinag-initan ni Justin?” tanong ni Kate noong nagmemeryenda kami sa cafeteria.

Umiling ako, kasabay ng pag-inom ko ng lemonade. “Sa ngayon, wala pa.”

“Wait, what do you mean? May balak talaga siyang pag-trip-an ka?” kunot-noong tanong naman ni Lovely.

“Siguro.” Napansin kong masama ang tingin sa akin ni Forelody habang kumakain ng mansanas sa harapan ko. “Bakit na naman? Hindi ako gumawa ng gulo. Don’t worry. Well, maliban na lang sa nangyari kaninang umaga.”

“Hayun na nga. Ang sabi ko lang naman kasi sa iyo, tulungan mo lang si Lovely. Hindi ko sinabing ipahiya mo ang lalaking iyon!” pagsinghal niya.

“You are concerned too much, baka atakihin ka sa puso niyan,” natatawang sabi ko.

“Hmph! Bahala ka na nga!”

“Hala ka, Rhein. Galit na ang pracien mo,” komento ni Kate. Kahit na hindi siya isang ofris mnarillaza, mukhang nabasa niya ang isip ni Forelody. “She’s telling in her mind that she’s not going to help you kung may ginawang masama sa iyo si Justin.” Inirapan siya ng pracien ko kaya siya natawa. “Okay. Sorry. I’ll stop reading your thoughts.”

“Sorry talaga, Rhein,” paghingi na naman ng tawad ni Lovely. Kanina niya pa sinasabi sa akin iyon. Paniguradong nagi-guilty pa rin siya.

Ngumiti ako. “Ayos na iyon. No need to apologize for it.” Tinignan ko muli ang partner kong parang matanda kung mamroblema. “Forelody, naman, sinabi ko na ngang huwag ka masyadong mag-aalala. Wala ka bang tiwala sa akin? Kung may gawin man siyang masama, kaya kong i-handle iyon. And besides, I have the protection of this academy. Hindi naman ito kung saan-saan lang na puwedeng manakit ng kahit sino.”

RuihnasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon