Chapter 3: Crow

109 70 3
                                    

RHEIN'S POINT OF VIEW

Umaga na ngunit heto ako, kahit ilang minuto man lang, hindi ko magawang matulog. Gumugulo pa rin sa isip ko ang nangyari kahapon.

Inisip ko nang inisip kung ano pa ang ibang posibleng dahilan kaso wala. Iyon lang ang alam kong posibleng dahilan n'on. Kung totoo man ang sinabi nina Xyrille, hindi talaga malabong mangyari rin iyon sa akin.

Pakiramdam ko, mas lalong sumasakit itong ulo ko kapag nanatili pa rin akong nakahiga kaya bumangon na ako. Kinuha ko ang aking phone mula sa ibabaw ng side table at in-on iyon. In-off ko ito kagabi dahil patuloy sa pagtawag ang mga kaibigan ko. Tinawagan ko na nga sila para sabihing ayos na ako pero sa kakulitan nila, tawag pa rin sila nang tawag. Kaya kahit na alam kong nag-aalala sila, pinatay ko na lang ang phone ko. That's what you called 'peace'.

Mariin akong napapikit nang saktong makita ko ang pangalan ni Jean sa screen ng phone. Talagang hindi ako tinantanan. "Sa wakas, sumagot ka rin! Alam mo bang magdamag akong tumatawag sa iyo?!"

Ipinaikot ko ang mga mata ko dahil sa inis. "May balak ka bang bingihin ako?! Sabihin mo lang. Pupunta ako ngayon sa bahay ninyo para sakalin ka!"

Tumawa siya sa kabilang linya. "Joke lang. Ikaw naman, hindi ka mabiro. Hindi ka naman namin tinadtad ng tawag."

"Talaga lang, ha?" Tinignan ko ang notification bar. "Naka-hundred-missed-calls nga kayo, eh."

"Oo na. Kung sinagot mo na lang, hindi iyan aabot sa ganiyan kadami kaya huwag kang magreklamo."

"Tapos ko naman na kayong i-update tungkol sa kondisyon ko. It's nothing serious so, please, for the nth time, don't worry. I'm still alive."

Narinig kong bumuntong-hininga siya. "We already knew that. Ang gusto lang naming itanong ay kung papasok ka ba ngayon o hindi. Sinusubukan naming tawagan si Ate Rona pero hindi niya sinasagot. Wala ba siya riyan sa bahay n'yo?"

"Mayro'n. Sinabi na niya sa adviser natin kahapon, hindi muna ako papasok ngayon. See you na lang bukas."

"Gano'n ba? Sige. Magpahinga ka nang maayos."

Ramdam ko ang lungkot sa boses niya kaya napailing na lang ako habang nakangiti. "Isang araw lang naman. Magkikita-kita naman tayo ulit bukas."

"Promise?"

Tuluyan na akong natawa. Kung minsan, gustong-gusto ko itong bata-batang side ni Jean. "Grabe, ah? Para namang aalis ako."

"Of course, for assurance."

"Okay. Promise."

"Bye. See you!"

"Bye."

"Umagang-umaga, napakaingay mo naman."

Sino iyon? Aksidenteng nabitawan ko ang phone at awtomatikong nanigas ang katawan ko nang marinig ang boses na iyon. "Guni-guni ko lang ba iyon?" medyo natatawang bulong ko sa aking sarili. "Nababaliw na yata ako. Paano ba naman magkakaroon ng lalaki rito at nakahiga pa sa may sahig? Gamit niya pa 'yung pink na sleeping bag ni Ate."

Iminulat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin, bagot na bagot. "Hindi ka nababaliw. Siguro, stupid? Oo."

Wala sa sariling sinipa ko ang mukha niya nang akma siyang babangon. Napahiga siya ulit at napadaing. "H-huwag kang lalapit kung ayaw mong mabugbog," pagbabanta ko kahit na kinakabahan.

"Crap. Ganiyan ka ba talaga sa mga kaibigan ng Ate mo?" Imbes na magalit, nagawa niya pang ngumiti.

Abnormal ba siya-teka, ano ang sinabi niya? Kaibigan siya ni Ate? Napapikit ako at huminga nang malalim. Kailangan kong kumalma. Tinignan ko siya ulit. Napakagat ako sa ibabang labi ko noong mapansing dumudugo ang gilid ng bibig niya.

RuihnasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon