DYLAN’S POINT OF VIEW
Sa wakas, natapos na rin ang misyon namin kaya heto, balik-eskuwela ulit. Wala nang katapusang kapaguran.
Malalim na ang gabi nang lumabas ako ng opisina ni Principal Oak. Dahil sa ilang araw akong nawala, natambakan ako ng mga gawain. Mahirap talagang pagsabayin ang pagiging estudyante at student council president. Sa umaga, marami akong inihahabol na mga lessons tapos pagdating naman sa gabi, gumagawa ako ng mga proposals para sa academy. Truly, a headache.
“Napakaraming magagandang praciens kanina, Dylan. Sila pa nga ang kumindat-kindat sa akin,” masayang wika ni Tyler. Nagkukuwento na naman siya tungkol sa mga babae niya. Mabuti pa siya, pa-easy-easy lang samantalang ako, nagpapakahirap.
Sinimangutan ko lamang siya. “Shut up, Tyler. Hindi ako interesado. Pagod ako. Give me a peaceful silence. Please.”
“Hmph! Ganiyan ka kaya wala kang girlfriend,” pang-aasar niya.
Seryoso ko siyang tinignang nagpatahimik sa kanya. Aasarin pa talaga ako ng ibong ito. Hindi naman sa naiinsulto ako. Talagang wala lang ako sa mood para makipagbiruan sa kanya.
Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad pauwi sa dormitory. Papasok na ako sa loob ng building nang may matanaw akong isang pamilyar na babaeng may mga berdeng mata. Nakatayo ito sa isang balcony na nasa pinakamataas na palapag ng girls' dormitory. Tulala itong nakatingin sa buwan.
Halata sa kanyang mga matang may malalim siyang iniisip. Marahil ay naguguluhan na siya sa nangyayari. Kaunting hintay na lang.
“May bago bang misyong may kinalaman sa kanya?” tanong ng kasama ko.
Mabilis siyang umapak sa railing ng balcony at tumalon papunta sa isang sanga ng puno kung saan siya umupo nang walang kahirap-hirap. Heto na naman, ang pagkurba ng aking mga labi.
“Wala,” sagot ko kay Tyler, “but I’ll try to take care of her on my own will.”
RHEIN’S POINT OF VIEW
Maaga kaming natulog kagabi ngunit puyat pa rin ako. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos dahil sa karaming tumatakbo sa isipan ko.
Nakasimangot ako habang pinagmamasdan ang aking sarili sa salamin ng comfort room. Bagay naman ang uniporme sa akin (white short-sleeved buttoned-down shirt, gray necktie, gray high pleated skirt, black tights, and black shoes) ngunit, hindi ako komportable. Kung puwede lang sanang gray pants na rin ang pang-ibaba namin, mas mabuti pa.
Lumabas ako at umupo sa aking kama. Habang sinusuklay ko ang aking buhok, binasa ko ang nakalagay sa class schedule ko.
Tama nga ang nalalaman ni Lolo Lembo. Sa umaga ay regular subjects ang aaralin samantalang sa hapon ay mga subjects na may kinalaman naman sa mundong Mnarra at mnarill. Magkahalong kaba at saya naman ang dumalaw sa sistema ko nang makita ang schedule sa hapon ng Biyernes – kalahating araw na self-training of mnarill.
Saglit akong napatitig sa aking badge bago ito idinikit sa kaliwang sleeve ng shirt ko. Dahil sa mahika, kusa itong dumikit na para bang parte na ito ng damit.
Matapos naming ihanda ang aming mga sarili at ang mga gamit namin, pumunta na kami sa cafeteria para kumain. Alas siyete naman ang simula ng klase kaya may isang oras pa kaming natitira.
Nakapasok na kami rito kahapon ngunit, hindi ko pa rin maiwasang malula habang nakatingin sa lugar. Halos kasinlaki at kasinlawak nito ang isang gymnasium. Nasa gitna ang napakaraming mesa’t upuan at nasa bawat gilid ang mga kuhanan ng pagkain.
“Doon na kayo sa inupuan natin kahapon. Ako na ang kukuha ng foods mga natin,” pagprepresenta ni Lovely.
Dahil sa gusto ko namang maranasang pumila, sumama ako sa kanya. “Samahan na kita.”

BINABASA MO ANG
Ruihnas
FantasyRhein Gomez - namulat lamang siya sa isang ordinaryong buhay bilang tao. Namumuhay nang simple kasama ang kanyang nag-iisang nakatatandang kapatid, pumapasok sa isang eskuwelahan, nagkakaroon ng kasiyahan kasama ang mga kaibigan, at higit sa lahat...