Chapter 10: Hole of Snakes

74 58 2
                                    

DYLAN'S POINT OF VIEW

"Masyadong aggressive ang kapangyarihan niya. It will gradually consume her kaya, pinabagal ko ang pagdaloy n'on sa loob ng kanyang katawan."

"Eh, bakit kailangan mo pa siyang halikan kanina? Umamin ka nga. Gusto mo ba si Princess Rhein?"

Napabuntong-hininga ako. Daig pa ng ibong ito ang imbestigador at tsismoso. "Hindi ko in-expect na magiging desperate siya sa pagtingin sa mukha ko. Kissing her is the only way to make her shocked para hindi niya makita ang kabuoan ng mukha ko. O, baka tatanungin mo pa kung bakit sa leeg ko siya nahalikan?"

Masaya siyang tumango-tango. "Tama."

"Uh, you're hopeless, Tyler." Napailing-iling na lang ako. "Nakita mo naman kanina, nataranta rin ako. I couldn't think straight at that time."

"Sige na nga. Sapat na ang paliwanag mo."

Sa wakas, tinantanan na rin ako. Tumingala ako sa maulap na kalangitan at dinama ang simoy ng hangin. Palihim akong napangisi nang sumagi siya muli sa isipan ko.

She is quick-witted. Even her shocked, cute face did not fail to amaze me.

RHEIN'S POINT OF VIEW

"Hindi na inosente itong leeg ko, Forelody," naiiyak kong wika sa pracien ko. Kakatapos ko lang ikuwento sa kanya ang nangyari kanina. Gigil kong sinuntok ang hangin. "Bubugbugin ko na siya sa susunod!"

"Parang hindi naman. Mukhang gusto mo pa nga ng isa pang beses," pang-aasar naman niya, "Namumula nga ang mga pisngi mo hanggang ngayon. Halatang kinikilig ka."

Nang dahil doon, tinignan ko siya nang masama. Lumipad siya at dumistansya mula sa akin.

"Namumula ako dahil sa inis, hindi sa kilig!" singhal ko. "Kaasar! Wala pa nga akong boyfriend tapos sa ganitong situwasyon ko lang mawawala ang first and second kiss ko sa leeg."

"K-kalma ka lang, P-partner. H-huwag ako ang pagbuntunan mo ng g-galit."

Awtomatikong huminto ako sa paglalakad nang marinig ko ang nanginginig ang boses ni Forelody at tila kinakabahan. Lumingon ako sa likuran at doon, nakita ko siyang nakabalot sa mga vines ng punong nadaanan ko kanina. Pinipilit niyang makawala subalit sadyang mas malakas ang mga vines kaysa sa kanya.

"R-rhein."

Napakamot na lang ako sa aking kanang pisngi at napangiti. Ipinikit ko ang aking mga mata at kinalma ang aking sarili. Pagmulat ko, nakawala na si Forelody at lumipad na't dumapo muli sa aking kanang balikat. Para siyang nag-aagaw-buhay habang pinapaypayan ang kanyang sarili gamit ang kanyang isang pakpak. Hinihingal pa siya at papikit-pikit.

"I'm sorry," natatawang sabi ko. "That guy really pissed me off kaya pati ikaw ay nadamay."

Tumingin siya sa akin nang matalim pero kalaunan, napabuntong-hininga na lang siya. "Huwag na natin siyang pag-usapan. Baka bumalik na naman iyang inis mo, tuluyan na akong matigok," aniya.

Nagpatuloy kami sa paglalakbay.

Habang naglalakad, iniisip ko kung sino ba talaga ang lalaking iyon. Hindi ko kasi maiwasang isipin siya dahil una sa lahat, kilala niya ako ngunit, hindi ko naman siya kilala. Gumugulo rin sa aking isipan kung bakit niya ba ako sinusundan at kung sino ba ang tinutukoy niyang nag-utos sa kanya.

Dinama ko ang presensya niya sa paligid. Hindi ko na siya maramdaman. Mukhang tinigilan niya na nga ang pagsunod sa amin.

"Partner Rhein, may apple pa ba riyan sa backpack mo?"

Tumawa ako noong marinig ko ang tunog ng tiyan ni Forelody. "Wala na. Huli na ang kinain mo kanina. I told you na hinay-hinay ka lang sa pagkain kaso, dinaig mo pa ang isang taong hindi nakakain."

RuihnasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon