Chapter 4: Mnarillaza

91 68 4
                                    

RONA'S POINT OF VIEW

Hindi lingid sa kaalaman kong anumang oras mula ngayon ay puwede siyang umatake. Nang magpaalam si Rhein na lumabas, hindi ko mapigilan ang sarili ko mula sa pag-aalala kaya kaagad ko siyang sinundan nang patago. Siyempre, kasama ko si Dylan. Nakisali rin sa pagsunod ang mga pracien namin ngunit nanatili lamang sila sa labas ng mall at nagmasid sa paligid.

Kapansin-pansin na lutang si Rhein habang namamasyal sa loob. Napunta pa nga siya sa parte ng department store kung saan naroon ang mga underwear ng mga lalaki.

Napahilamos na lang ako sa aking mukha. "Nakakahiya ka, Rhein," pabulong kong sabi kasabay ng pagpipigil ko.

"Cute," bulong naman ng kasama ko.

Dahil sa malayo naman kami sa kanyang kinaroroonan, sumabog na kami sa kakatawa nang asarin na siya ng saleslady. Sobra ngang namumula ang hitsura niya pagkaalis niya roon.

Namasyal siya ulit pagkatapos n'on hanggang sa napagdesisyunan niyang pumasok sa isang kainan.

"Wow, napakasarap naman ng kinakain niya. Princess, gusto ko rin ng gano'n. Let's take a break muna."

Dali-dali kong siniko ang tagiliran ng kasama ko. "Stop. Mahuhuli niya tayo."

"Sabihin na lang nating nagde-date tayo. Simple solution."

Siniko ko siya ulit ngunit ngayon, malakas na kaya napadaing siya. "This is not the time for messing around, Dylan."

"Okay. Fine." Napalabi siya, akala naman kung bata. Hindi naman gagana ang ganoong pagpapaawa sa akin kaya binalewala ko na lang. "You're heartless," parinig pa niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Shut up. Bilhin mo na lang mamaya lahat ng mga gusto mong kainin. We must prioritize Rhein's safety first."

Lumabas na ng restaurant si Rhein kaya lumabas na rin kami sa aming pinagtataguang pader. Naglakad-lakad siya muli. Sunod naman siyang napadpad sa arcade.

Kumunot ang noo ko nang makitang lumuluha siya.

"Ba't siya umiiyak?" tanong ni Dylan.

Pumasok sa isipan kong basahin ang kanyang iniisip kaya ginawa ko na. Malungkot akong napangiti. Inaalala niya pala ang mga pinapaniwalaan niyang bonding moments naming magkakapamilya.

"Memories," sagot ko, "Memories in that place."

Kaagad namin siyang sinundan sa loob noong pumasok na siya. Ngunit noong nakapasok na kami, hindi na siya mahagilap ng aming mga mata. Nilibot namin ang buong lugar ngunit hindi pa rin namin siya mahanap.

Ginamit ko ang mnarill ko para pakiramdaman siya. Tuluyan na akong kinabahan nang hindi ko na madama ang kanyang presensya.

"Hindi ko na siya maramdaman. Wala na siya rito," wika ko. Tinignan ko si Dylan na hinihingal din gaya ko. "Meithi mnarillaza ka, 'di ba? I-rewind mo nga ang oras. Tignan natin kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya kanina." Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako ngunit, kitang-kita ko kung gaano nandilim ang kanyang mukha. "B-ba't ganiyan iyang reaksyon mo?"

"Yes, we—meithi mnarillazas—we can control time pero, ang ibalik ang nakaraan at pabilisin ang oras ay hindi namin kayang gawin. We can only freeze time," seryosong aniya. "Pasensya na. Hindi ko kayang gawin ang gusto mong mangyari."

Kaya pala ganoon ang naging reakson niya. "I understand." Bumuntong-hininga na lang ako. "Umatake na siya." Mariin akong pumikit at tumingala sa puting kisame. "Wala na tayong ibang pamimilian. Kailangan ko nang makiusap sa kanila para ihinto na ang pagsubok na ito."

RuihnasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon