RHEIN’S POINT OF VIEW
Wala akong maalalang sinabi ni Mama na kambal silang magkapatid. Kung ganoon, ang mga nakita ko sa panaginip ay sila nga.
Mahina siyang napatawa, maaaring dahil sa naguguluhan kong reaksyon. “Tama. Ako ang may kagagawan. Mga alaala ko ang nasa iyong panaginip. That was the only way I could think of para mas mabilis na ipaliwanag sa iyo ang tungkol sa akin. Nauubusan na ako ng panahon.”
“B-bakit? Bakit ako ang inyong kinakausap? Bakit pa ninyo kailangang magpaliwanag sa akin? Ano bang balak ninyo? Kasali kayo sa Deorcanen Clan, ‘di ba?” Natatakot man, pinilit kong makipag-usap.
“Hija, hindi ko kailanman pinangarap na kalabanin ang kakambal ko. Hindi ko piniling magtaksil sa Mnarra. Naipit lang ako sa situwasyon.” Tumayo siya at pinahid ang kanyang mga luha.
“Matapos kong lisanin ang palasyo, pumunta ako sa Croaqel, isang malayong isla sa labas ng malaking lupain ng Mnarra, para roon manirahan doon nang mag-isa. Naisip kong mas mabuti para sa lahat na magtago ako upang wala silang katakutan na kapatid ng reyna. Sa loob ng halos isa at kalahating dekadang pamamalagi ko, mapayapa akong namuhay.”
Paano siya napunta sa clan? Bakit siya sumapi sa kanila?
“Subalit, nagbago ang lahat nang dukutin ng mga miyembro ng Deorcanen Clan ang aking anak. They did that para maging sunud-sunuran ako sa kanila. Ayaw kong kalabanin ang kapatid ko ngunit mas ayaw kong malayo sa akin ang anak ko.”
Anak? Hindi ito nabanggit ni Mama. May nalalaman kaya siya tungkol dito?
“I had no choice kung hindi ang umayon sa kanilang kondisyon. I need to give them the Juelaetornulus Ruihnas in exchange of my daughter. Pitong taon ko na itong hinanap. Nalaman ko lang ang eksaktong kinaroroonan nito nang magbalik si Rona sa mundo ng mga tao.”
Matinding lamig ang bumalot sa buong katawan ko. Alam na niyang nasa loob ko ang crystal?
“Don’t be afraid. I would not give you to them. Wala rin naman silang balak ibalik ang aking anak kahit na tumupad ako sa kondisyon nila.”
Ngunit paano na ang kanyang anak? Ang pinsan ko?
Tipid siyang ngumiti ngunit kalaunan, muli siyang napahagulgol. “Rhein, please, save Audrey! Hindi ko kayang lapitan ang kakambal ko. Kinamumuhian ako ng mga mnarillazas. Ikaw na lamang ang kaya kong paghingan ng tulong.” Hinawakan niya ang mga balikat ko at desperadong nagmakaawa. “Please, save her.”
Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong gawin. Naguguluhan ako ngunit nangingibabaw ang nararamdaman kong awa. “P-pero—”
“Nauubusan na ako ng oras. Kailangan mong mangako! Promise me—”
Right in front of my eyes, her eyes widened as blood came out of her mouth. Bumaba ang kanyang tingin sa kanyang dibdib kung saan tumagos ang isang dark blade.
“I-iligtas mo s-si Audrey. Y-you have to. She is . . . ” Ngumiti siya sa akin bago tuluyang pumikit at napahandusay sa lupa.
Hindi ako makagalaw, tila nanigas at namanhid ako sa aking mga nalaman at pati na rin sa mga nakita. Ngayon, nagdidilim ang paningin ko habang nakikipagtitigan sa nakangiting pinuno ng Deorcanen Clan.
“A piece of trash,” wika nito, “Someone who could not keep true to her words and her mouth shut.”
He was wearing a black cloak. His face was half-covered by its hood ngunit base sa malalim niyang boses, nasa fifties na ang kanyang edad.
“Thanks to her though, nahanap ko na rin ang crystal. Kukunin ko na ito, Hija.” Lumipat ang kanyang tingin sa akin. “You don’t want me to take it by force, right, Second Princess?”

BINABASA MO ANG
Ruihnas
FantasyRhein Gomez - namulat lamang siya sa isang ordinaryong buhay bilang tao. Namumuhay nang simple kasama ang kanyang nag-iisang nakatatandang kapatid, pumapasok sa isang eskuwelahan, nagkakaroon ng kasiyahan kasama ang mga kaibigan, at higit sa lahat...