Chapter 19: Selection

32 17 0
                                    

FORELODY’S POINT OF VIEW

Tinawag na ang unang pares na maglalaban. Pumunta ang mga ito sa ibaba. Mabilis kaagad na natapos ang laban dahil sumuko ang isang panig.

“Napakaduwag naman,” dismayadong komento ko. Narinig iyon ni Rhein ngunit, hindi niya ako pinansin. “’Di ba, Pracien?” Saka lamang niya ako nilingon saglit at tumango. “Ayos ka lang ba?”

Tipid siyang ngumiti bago sumagot, “Oo naman.”

Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata. “Bakit napakatahimik mo kung ganoon?”

“I am just nervous para sa laban ko at . . . sa makakalaban ko.”

“May nagbago ba sa mnarill mo kagabi?”

Dismayado siyang umiling. “Wala. Magpapaka-ofris-mnarillaza na lang ako.”

“For our third match . . . a gulni mnarillaza from the Ecialis Section A against a yvus mnarillaza from the Ementumo Section A! Let’s welcome Zen Harrison and Lovely Ash!”

Kaagad kaming huminto sa pag-uusap at tumingin kay Lovely. Nanlalaki rin ang kanyang mga mata dahil sa hindi inaasahang maagang pagtawag sa kanyang pangalan. Mabuti na lang, mabilis siyang nakabawi.

“Wait, si Zen ang kalaban ko? Gosh! Subukan niya lang akong kidlatan.” Nagawa niya pang lumabi. “I’ll definitely roast him.” Iniwan niya ang kanyang partner sa kanyang puwesto. “Wish me luck!” nakangiting sabi nito bago bumaba. Hindi man lang siya kinabahan.

“Good luck!”

“Start!”

Nagpakawala ng malakas na boltahe ng kuryente si Zen. Nagawang ilagan iyon ni Lovely. Bilang ganti, nagpakawala naman si Lovely ng sunod-sunod na bolang apoy na agad bumulusok sa direksyon ni Zen. Nailagan niya rin ang mga ito maliban sa isang tumama sa kaliwang braso niya. Napadaing siya sa sakit. Lumabas sa palad ni Zen ang isang kidlat na tumama sa kanang binti ni Lovely na naging dahilan para matumba siya.

Paulit-ulit lang ang nangyari sa kanilang laban – atake-ilag. Madami nang sira sa kanilang mga uniporme. Marami nang paso si Zen dahil sa apoy. Si Lovely naman ay may kaunting galos sa kanyang mga braso at sa kanan niyang binti.

Makalipas ang ilan pang minuto, nanghihina na silang pareho ngunit nakangiti pa rin si Lovely. Mukhang nasisiyahan siya sa laban nila.

Sumulyap ako kay Rhein. Tutok na tutok siya sa nagaganap na labanan. Wala man lang anumang reaksyon sa kanyang mukha. Ganoon din sina Allie at Kate.

Rinig na rinig pa rin ang mga sigawan ng mga manonood. Karamihan sa kanila ay tumitiling sana manalo si Zen.

Nagpakawala muli si Lovely ng mga naglalakihang fire balls matapos magkalat ng apoy sa palibot nila. Natamaan muli si Zen sa mga binti niya dahil hindi kaagad ito nakaiwas. Natumba siya sa gitna ng battle area at tuluyan nang nawalan ng malay. Pagkatapos n’on, napaupo na lamang si Lovely sa sahig dahil sa panghihina.

“Our winner for our third match is Lovely Ash!” Marami ang nadismayado sa resulta ngunit sobrang saya namin para sa aming kaibigan. Humiyaw pa nga si Kate sa tuwa kasama ang ilang kaklase nila sa kanilang section.

Binuhat ng ilang estudyante sina Zen at Lovely papunta sa kinaroroonan ng mga gurong ofris mnarillazas na nasa isang sulok at sinimulan silang gamutin.

Mahigit isang oras na ang nakakalipas at medyo inaantok na ako sa panonood nang tawagin na ang pangalan ni Kate.

“For our next match . . . a sychi mnarillaza from the Ecialis Section A against a resce mnarillaza from the Ementumo Section A! Let’s welcome Andrew Miller and Kate Wagner!”

RuihnasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon