Medieval period. Panahon ng digmaan ng kabutihan laban sa kasamaan, daw. Sa bawat panig ng daigdig sa panahong ito laganap ang mga hindi kagandahang nilalang na may wierdong kapangyarihan. Uso ang pagsamba sa kadiliman, uso pa ang magdasal sa sitwasyon na totoong ang mga tao ay naghihirap, uso pa rin naman yun ngayon, kung isa kang emo. Bago maghari ang kabutihan na para sa mga tao, lang. Bago umeksena ang mga sugo ng banal na ispiritu sa galaxy, ang mga makakapangyarihang nilalang ang mga naghahari.
Ang mga nilalang na tumanggap ng sarili nilang kahinaan ang natatapakan at kinaaawaan ang kanilang sarili. Ang tawag nila sa kanilang sarili ay 'api', 'ordinaryo', 'walang kakayanan', o 'normal'. Samantalalang ang mga malalakas, makakapangyarihan at matataas ay tinatawag na mga 'halimaw'. Sa kasalukuyang panahon, sila'y tinatawag na 'mythical creatures'.Sa Pilipinas, mga 'imahinasyon'. Sa mga naniniwala, sila'y mga 'elemento'. Sa mga scientist o eksperto daw, 'interesting subjects'. Sa mga relihiyoso, 'kampon ng kadiliman'. Sa mga director, 'artista'. Wag na lang natin isama ang direktor. Ano't ano man ang katawagan, iisa lang naman ang sa kanila'y pagkaka-kilanlan...
"Mga 'abnormal'." Pahayag ni Professor Andrew E. Magtalas. Mas kilala nila bilang 'Maestro Andy'.
"Aray naman! Abnormal talaga? Hindi ba pwedeng 'extraordinary'?" alma ni Sam.
"Extraordinary na yung mga sumasali sa mga talent show, mga modelo, boksingero, wrestler, highest paid celebrities, guineas book worm records title holder, pulitiko, drug pusher, at mga magnanakaw. Ang mga katulad nila, nasa bracket na ng norm. Tanggap sa lipunan. Ang mga katulad niyo, hindi pa kayang tanggapin ang existence. Abnormal pa rin kayo, sa parehong paraan kung paano tanggapin ang mga taong may HIV."
"Alam na namin yan." ang masaklap na tugon ni Roman na nginusuan ni Sam. "Kaya kami sumama sayo, sir, para malaman ang alam mo tungkol sa maskara."
Nagtungo sa isang bookshelf si Maestro Andy sa kanyang library na punong-puno ng mga libro na niluma ng panahon.
"Aray ah. Ang saklap. HIV? Ano ba tingin niyo sa'min, may sakit?" Hindi pa rin maka-move on si Sam.
"Ang mga tao na walang kakayanan sa ganap na pag-unlad sa sarili ay gumawa ng paraan para umangat sa uri ninyo. Wag mo iyon ikalungkot, sila ang totoong mas kaawa-awa. Akala ng mga ninuno ng mga tao na mapagtatagumpayan nila ang paghahari sa sangkatauhan kung babaluktutin nila ang katotohanan. Kung sa bagay, doon sila magaling. Tuluyan nilang binura sa kasaysayan ang mga katotohanang hindi maarok ng kanilang pang-unawa at talino. Ang tanging tagumpay nila ay ang pagbaon sa mas mabigat na uri ng karunungan na siya naman ngayon ang pilit hinuhukay ng mga nakababatang henyo. Gayun pa man, imposible na sa kanila ang humukay pa ng mas malalim ng karunungang hinahanap nila kung tanging mata lang ang kanilang 'pala'. Imahinasyon na lang ang katulad niyo sa panahon ngayon. Dalawa na lang ang lugar kung saan kayo normal. Sa pelikula at perya."
"Salamat sa pampalubag-loob, Maestro. Salamat na rin sa historical trivia. Putangina lang." asar na sagot ni Sam.
"Truth is... It was never been a history. It was science that occurs spontaneously. A hidden fact lies on Charles Darwin's theory of evolution."
Sabay napakabig ng tingin sina Roman at Sam. Hinintay nila ang sususnod na sasabihin ng kanilang Prof.
"Survival of the fittest. It's not the strongest nor the smartest survives, it's the most adaptive to the changes who can survive this changing world. The law that occured a long time ago. Long enough to produced super humans like you. It's a natural occurence."

BINABASA MO ANG
The Phantom Hero
FantasiNOIR: A Knight from the Darkside. "Kung ang liwanag ay nagbibigay ng karimlan. Kadiliman ang maghahatid ng kaligtasan. Ang kamay na nagmumula sa kadiliman, ika'y pangangalagaan." Genre: Fantasy-Action Matured content: Language, Sex, Substance, Vio...