Noir. 23

126 10 1
                                    

      Bagama't nananaig ang takot ay hinarap pa rin ni Sam ang kalaban na katumbas na ng kamatayan. May personal siyang dahilan. Paghihiganti. Ang kampon ng kadiliman na kaharap niya ay ang dahilan ng kanyang pangungulila. Una'y sa kapatid, ngayo'y sa taong pinaka mamahal niya. Sumosobra na siya.

     Sa bawat wasiwas ng kanyang karet ay ramdam sa bawat pagyanig ng hangin ang kanyang poot. Hindi man direktang tinatamaan ay napupunit pa rin ang balat ni Skullface at nalalasog ang kanyang mga laman. Sinubukan niyang gumanti ng putok, pero sa bulletproof na kapa na gawa sa kapangyarihan ni Noir ito tumatama. Nagawa niya lamang makatama ng sapak nang masurpresa niya si Sam sa panunumbalik ng kanyang naputol na braso. Pero baliwala ito sa lakas na ipinamamalas ni Sam.
 
     Gayun pa man. Si Sam ay hindi bihasa sa pakikipag-buno. Samantalang si Skullface ay hindi nauubusan ng lakas.

     Sa gitna ng labanan. May biglang lumiwanag sa dibdib ni Skullface. May tunog din ito na tila may kung anong gumana. Nabahala si Sam.

     "Anu 'yan?" Tanong niya.

     "I'm online. Mukhang may isang tukmol na hindi alam ang kanyang dinadala. Hehehe..."

     Habang sa labas ng building ay naalarma sila sa biglang pag-activate ng device sa loob ng briefcase. Nang binuksan ito, isang monitor na may 'wave graph' ang pumipintig, at sa ibaba nito ay may mga numerong pababa ang bilang. Walang makapagsabi kung ano ito. Maging si Katana ay walang ideya. Ang alam niya lang ay isa itong detonator at nang nalaman ito ng mga sundalo, wala na ditong gumalaw. Agad itong itinawag sa Bomb squad.

     Ibinunyag na nina Alwina ang plano ni Skullface sa simula pa lang ng kanilang operasyon. Agad kumilos ang buong pwersa ng PNP, AFP, Phil.Navy, at lahat ng Special forces ukol dito. Pero sa bawat istasyon na pinagtaniman ng mga bomba ay may naka bantay na armado ng matataas na kalibre ng baril. Sa bawat sulok ng Maynila ay napapalaban ang mga tagapagpatupad ng kapayapaan sa mga kampon ng kasamaan.

    
     "Hehehe... This is the best part! Makinig kayong mabuti at ipapaliwanag ko." Nagsimulang magbago ang anyo ni Skullface bilang si Eternel. Lumitaw sa loob ng kanyang dibdib ang pulang ilaw na pumipintig na nagmula sa isang device na may kurdon na nakakapit sa kanyang spinal column paakyat sa loob ng kanyang bungo, na nakakabit sa kanyang utak. "Ang detonator ay may 'two-way radio system' o kung anuman yunSa oras na ma-activate ito, hindi mo na sila maaaring paglayuin, kundi alam mo na, boom! Kapag may isa man sa mga detonator ang nag-shutdown, Boom! Mayroon ka na lamang tatlumpung  minuto at wala nang makakapigil dito! Para saan na naman ang bomba? 'di ba para sumabog?! Wrah haha haha!!"

     "Ampanget mo. Nakakadiri ang hitsura mo. Mamatay ka na." Ang tanging nagawa ni Sam ay isumpa ang kalaban.

     "Nyahaha! Imposible. Hehehe.."

     "Sam. Hindi mo na maaaring gawin ang plano. Kapag pinutol mo ang leeg niya--.." paalala ni Alwina.

     "Alam ko!" inis na sagot ni Sam.

   
    
     "Hoy ikaw," tawag ni Katana kay Maestro Andy. "paano mo nalaman na hindi na uubra ang plano? Traydor ka ba? Umamin ka!" paratang niya.

     Tapat na tumugon si Maestro Andy. "Iba dito ang alam ko. Maaari naman sana tapusin si Skullface. Pero hindi nito matatapos ang kapangyarihan ni Eternel. Patuloy lang siyang maghahanap ng natatanging katauhan para gawin niyang katawan. Magagapi natin siya, pero patuloy lang siyang babalik sa ibabaw ng lupa hangga't may kaluluwa siyang makakain. Masakit man aminin, talo na tayo. Katapusan na natin."

The Phantom HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon