Noir. 24

168 12 1
                                    


       Heaven and Hell is not a place where anyone goes after death. It is the state of life in the tormented lands of living. And at mean time is a Purgatory, a trial court of the soul judged weather to be reborn or disposed in the vast universe. Heaven, a time that spend with glory, joy, laughter, love and peace of mind. Hell, a destruction of oneself or everyone. Many ignorant mistaken to dream of having the elements of heaven in hell. We always tend to make our own heaven, but it often ends with other's hell. We are the Demons of our own lives. The choice is ours.

       Ang buong kalangitan ay sinakluban ng kadiliman. Umulan ng kidlat na naging mga kadenang may tinik na gumapos sa mga bangkay na muling nabuhay.

       Namamangha sina Alwina sa naganap. Si Maestro Andy naman ay nahuhulaan na kung ano ba ito. Pigil hininga nilang pinagmamasdan na isa-isang inuubos ng mga kidlat na kadena ang mga kalaban.

       "Hinde!!" Napupoot na sigaw ni Eternel na may halong takot. "Papaanong nangyari ito!?" Sumisigaw siya sa madilim na langit. Sa kawalan. Mukhang alam na rin niya kung ano ang nagaganap. "Patay ka na!!"

       "Oo patay na siya." Sagot ni Maestro Andy. "At muli siyang isinilang. Isinilang siya mula sa namamatay na damdamin ng mga tao. Mula sa kawalan ng pag-asa."

      Mula sa madilim na kalangitan, may dalawang pulang liwanag ang kumislap sa harap ni Eternel. Mga pulang mata na nanlilisik sa galit na nakatitig sa kanya.

      Tarantadong pinulot ni Eternel ang kanyang machine gun at pinaulan sa direksyon ng pulang mata. Wala itong tinatamaan.

       Sa hitsura niyang bungo ay mahahalata na nakangiti pa rin si Eternel na nagsabing "Hindi mo maililigtas ang mga tao kahit paulit-ulit ka pa mabuhay."

         *Whoosss... Stangk!*

          Ang mga pulang mata ay mabilis na lumipad sa direkson ni Eternel. Isang anino ang lumagpas sa kanya sa isang kisap-mata. Sobrang sakit ang kanyang naramdaman, dahilan para hindi niya agad mapagtanto ang mga patalim na naka-tarak sa maraming bahagi ng kanyang katawan. Ang mga patalim ay malalim na naka-baon din sa sahig, dahilan para hindi siya makakilos.

         Maging si Alwina, Katana, at Capt. Marcelo ay hindi makapaniwala sa nakikita. Natalo ng ganun kadali ang kalaban nilang hindi nila magapi.

         Si Maestro Andy ay natutuwa sa kanyang nakikita sa harapan niya. Unti-unting nagiging pisikal ang imaheng anino na papalapit sa kanila.

         Lumuhod ito para yakapin ang naghihingalong si Sam. "Sam." Tawag ni Roman sa anyo ni Noir. Sa unang pagkakataon ay narinig ang kanyang tinig sa anyong ito.

          Napangiti si Sam. Nanlalabo na ang paningin niya, pero alam niyang yakap siya ngayon ng kanyang kaibigan. "K-kahit kailan. H-hindi ak-o n-nawal-an ng p-pag-a-sa n-na b-ba-balik k-kah.."

         "Salamat. Ikaw ang dahilan kung bakit patuloy akong nabubuhay. Salamat at hindi ka nawalan ng pag-asa sa'kin. Salamat sa lahat. Patawarin mo ako Sam kung--."

         "Ashushhh.... Hin-di ka ma-daldal sa likod ng mas-kara, panin-digan mo yan. May mensahe ka ba para kay Rose?"

The Phantom HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon