Isa nanamang biktima ng pamumugot ng ulo ng mga hinihinalang kulto, ang natagpuan sa harap mismo ng altar ng simbahan ng Quiapo. Kinilala ang biktima bilang si Agapito Cruz, isa sa mga sakristan ng simbahan na nakatalaga na magbantay kagabi. Walang nakasaksi sa nasabing krimen kaya hindi pa matukoy ng awtoridad kung ano ang motibonangnasabingpamamassssllllngggg.....
"Hahahaha!! Ahahaha!!" Nabulabog ang pakikinig ni Roman sa flash report na sumingit sa isang fm station dahil sa malakas na halakhak ni Sam kasama pa ang malakas na pagpalo ng kamay nito sa balikat niya.
"Anu ba, hindi ka pa ba titigil?" Tinanggal na niya ang earpiece na nasa tenga niya, inis na lumingon sa katabi, at binatukan si Sam.
Gayun pa man ay walang humpay pa rin ito sa paghagikgik.
Pamula pa na'ng magkita sila ng umaga sa labas ng appartment ni Roman, hanggang sa makarating na sila sa harap ng simbahan ng quiapo ay walang humpay ang tawa ni Sam sa tuwing makikita ang mukha ni Roman. Sa tuwing makikita niya ang mukha ni Roman ay naaalala niya ang hitsura ng binata kung paano ito tumugon sa naging biro niya kagabi, tungkol sa pagbubuntis niya na walang katotohanan.
"Ahahaha!!.." Pinalo-palo na naman ni Sam ang balikat ni Roman habang ang isang kamay ay nakahawak sa sumasakit na puson sa katatawa, may kasama pang pag padyak ng paa sa lupa.
"Sorry sorry, hindi ko talaga mapigilan.. Hahahaha!!!"
Naniningkit na lang ang mata ni Roman.
Isang mabilis na sasakyan ang dumaan sa harap nila halos isang pulgada na lang ang layo nito bago mahagip ang walang kamalay-malay na si Sam.
Sa biglaang paghatak ni Roman sa kanya ay napapikit na lang siya habang hinihintay ang susunod na mangyayari.
Kasunod ang tunog ng mga sirena na nagmumula sa mga humahabol na sasakyan ng pulisya.
Dumilat ang mga mata ni Sam. Pinagmasdan niya ang sarili na yakap ni Roman. Walang kahit anong galos at isang buo pa rin na nakatayo.
"Salamat." Nawala ang ngiti nito at napalitan ng pagtataka kung paano nagawa ni Roman na mahatak siya ng ganoon kabilis.
"Sa susunod tumingi ka kasi sa dinadaanan mo." Sermon ng binata. Matapos kumalas sa pagkaka-yakap ay hindi na niya binitiwan ang kamay ni Sam.
Tinungo nila ng magka-hawak kamay ang isang pwesto sa gilid ng simbahan kung saan nagtitinda ng mga 'pinatuyong ugat na nilagay sa bote' ang hipag ni Sam.
"Meron ako ditong gamot, matindi pa ang epekto sa Viagra." Pambungad ni Santana nang makita sina Roman at Sam na paparating.

BINABASA MO ANG
The Phantom Hero
FantasiNOIR: A Knight from the Darkside. "Kung ang liwanag ay nagbibigay ng karimlan. Kadiliman ang maghahatid ng kaligtasan. Ang kamay na nagmumula sa kadiliman, ika'y pangangalagaan." Genre: Fantasy-Action Matured content: Language, Sex, Substance, Vio...