"Talo na ako."
"Sa papaanong paraan ka natalo?"
"Wala akong nailigtas."
"Hiniling ba nila na iligtas mo sila?"
"Hinde. Pero kailangan."
"Hindi ka naging bayani para mag-ligtas. Hindi ka nagkaroon ng kapangyarihan para magpakabayani. May mga nangyayari sa buhay natin na hindi natin plano, pero desisyon pa rin natin kung paano ito naganap. Ang iyong kabiguan ay sarili mong kasalanan."
"Para saan ang kapangyarihan kung wala akong maililigtas? Anong silbi ng pagiging bayani kung hindi mababago ang takbo ng mga pangyayari?"
"Roman. Hindi mo babaguhin ang takbo ng mga pangyayari. At hindi mo responsibilidad ang buhay ng mga tao. Ang totoong katungkulan ng isang bayani ay magbigay ng pag-asa at inspirasyon, at magsimula ng isang laban na handang tapusin ng mga tao."
Ngunit ang kabayanihan ni Roman bilang taong-anino ay hindi man lang tumatak sa isip ng mga tao.
Sapagka't ang kamatayan at pagkawasak sa kamay ni Eternel ang nagsimulang bumalot sa lahat.
Mula sa bintana na kanilang kinaroroonan ay tanaw niya ito. Ang unti-unting pagkawasak.
Naging walang katapusan ang labanan sa loob ng bansa. Hindi lumilipas ang mga araw na walang namamatay, sundalo man o sibilyan.
Prison break sa maraming kulungan. Naglabasan ang mga 'gang' na karamihang miyembro ay kabataan. Lumaganap ang nakawan, holdapan, at ilegal na bentahan. Samu't sari ang krimen at walang mga alagad ng batas ang nakapipigil.
Araw-araw ang pagkawasak sa bawat sulok ng bayan. Hindi alintana ng mga naglalabasang kriminal ang umaga. Ang gabi ay nanatiling maliwanag gawa ng mga apoy sa mga nasusunog na kabuhayan. Ang hangin ay pinolusyon ng pulbura, asupre, at lansa ng dugo. Sumisikat ang araw na walang kaligtasang tiyak, at lumulubog ito na may takot na matulog.
Patuloy ang pag-sugpo ng pwersa ng sandatahan. Patuloy din ang pagdami ng mga kriminal. Pero mas dumami ang bilang ng mga gutom at walang kabuhayan.
Walang pinagkaiba sa dati nang masalimuot na kalagayan ng bansa.
"Ay putangina lang."
Binasag ni Sam ang katahimikan ng mapayapang pagkakape ni Prof. Andy at pagbabasa ng pinakabagong edisyon ng diyaryo noong nakaraang linggo pa.
Agaw pansin ang suot ni Sam na sexy costume sa loob ng black riding hood at ang dala niyang malaking karet na may disenyong mga bungo.
"Sir! Pa'nu n'yo nagagawa na magrelax at uminom pa ng kape sa gitna ng krisis?! Pambihira!"
Muling ibinaling ng Maestro ang kanyang tingin sa kanyang binabasa. "So? Kung magpanic ba ako, babalik ang kapayapaan?"
"Unbelievable." irap na kumento ni Sam.
"Well. Compare to you. Anu naman ang nahithit mo't naka-costume ka? Ms. Quinto?"
"Hindi lang 'to basta costume 'noh! Gawa ito sa kapangyarihan ni Noir nu'ng naging sidekick n'ya ako. At ito...." Inangat niya gamit lang ang isang kamay ang malaking karet na dating pagmamay-ari ni Eternel. "..ito ang sandata na pumugot noon sa ulo ng Eternel na yun!"
Muling napukaw ang atensyon ng maestro. Agad siyang tumayo para tignan ang sandata. Pero nang hiramin niya ito ay napabalikwas siya sa kinatatayuan. Hindi niya inasahan na nagtitimbang ito ng higit sa 100kgs. Sa paraang ito niya nalaman kung gaano kalakas ang superhuman na estudyante niya.

BINABASA MO ANG
The Phantom Hero
FantasyNOIR: A Knight from the Darkside. "Kung ang liwanag ay nagbibigay ng karimlan. Kadiliman ang maghahatid ng kaligtasan. Ang kamay na nagmumula sa kadiliman, ika'y pangangalagaan." Genre: Fantasy-Action Matured content: Language, Sex, Substance, Vio...