Noir. 17

189 14 1
                                    

        "May apat na nilikha noon ang kadiliman na binatay sa apat na anyo ng kamatayan. Ang bawat isa sa kanila ay nagtataglay ng walang katapusang kapangyarihan.

         Isa na sa kanila ang black phantom.

        Ang kanyang kapangyarihan ay isinilang mula sa namamatay na damdamin ng mga tao noong panahon ng medieval."

        "Aba, magaling at nakikinig ka rin pala ms.Quinto." Papuri ni Maestro Andy kay Sam na abala sa pagtitig sa lumang libro, kahit hindi naiintindihan ang nakasulat.

        "Hah!" Payabang na usal ni Sam. "Naman Sir! Nakasalalay dito ang final exam... ng mundo! Kaya dapat siryosohin!"

        Napatagilid ng ulo ang maestro na may kunot noo na tumitig kay Sam.

        "Final exam na nasabi mo e. Nadulas ka na."

        "Whu! 'de ah!" pagtatanggi ni Sam na busangot ang mukha. "Imagination mo lang yun sir!" Muling bumaling ng tingin si Sam sa libro, nilipat ng maraming beses ang pahina hanggang sa mapako ang tingin niya sa mga imaheng nakaguhit sa kalagitnaan ng librong.

 

 

        Isang lumilipad na rocket ang patungo sa kanilang direksyon.  Mabilis na nilundag ni Christian ang kinaroroonan ni Alwina para maprotektahan siya sa pagsabog.  Pero naging mas malapit ang pagsabog, dahilan para ikadurog ng lahat ng laman loob ni Christian ang lakas ng impact.

        Hindi pa naawa't pinaulanan pa ng bala ang pinagtataguan nila. Wala ng malay na nakadapa si Christian sa ibabaw ni Alwina na nagpupumilit siyang gisingin.

 

        "Sir?.. Sir!!!.."

 

        Sumuka ng dugo si Christian nang ito ay magkamalay.  Pero sandali lamang ito.  Ni hindi man lang niya nagawang sabihin ang kanyang nararamdaman kay Alwina.

        Isang ngiti lang ang kanyang naiwan bago siya tuluyang bawian ng buhay.

        "Hinde!.. Sir? Sir!! Hinde.. Chris!!  Aaahhhhg!!!!" Buong hinagpis na sigaw ni Alwina habang yakap-yakap ang taong minamahal.

 

        Nagising si Alwina mula sa bangungot. Ngunit sa kanyang pag-gising ay hindi nawala ang sanhi ng kanyang bangungot. Halos isang dangkal lang ang lapit ng kanyang mukha sa mukha ng taong hindi niya lubos akalain na makikita pa niya. Abot tenga ang nakakaasar na ngiti nito sa harap ni Alwina.

The Phantom HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon