Noir. 12

201 16 1
                                    

    

         May mga bagay talaga sa mundong ito ang hindi kayang abutin ng katotohanan.  Mga bagay na ikinukubli ng hakahaka.  Sa anong dahilan na hindi ito kayang maabot ng mga tao?  Para ba sa kabutihan? o para sa sariling kapakanan?  Ng ano naman?  Bakit may mga tanong na walang kasagutan?

       Bakit may mga karamdaman na hindi nalulunasan?  Bakit marupok ang buhay ng tao?  Bakit may hangganan ang lahat ng bagay?  Bakit may kahinaan ang lahat ng bagay?  Bakit may kamatayan?

   

   

        "Ate Tana?.. Ate!  Anong ginagawa mo dito?  Delikado dito."

        Natagpuan ni Sam si Santana sa gilid ng simbahan na pinapanuod ang labanan ng dalawang kakaibang nilalang.

        "Si Noir.  Nagpakita na rin si Noir.  Pero bakit sila nagpapatayan?" Usal ni Santana na tila kilala ang dalawang nilalang.

         Lumingon siya kay Sam nang makalapit ito. "Sam?  Anung ginagawa mo dito?" Pag-aalala niya.

       "Iyan din ang tanong ko sa'yo ate Tana.  Tara na, baka mapahamak ka pa." Natatarantang hinila ni Sam si Santana, pero tumanggi itong magpahila.

      Umiling si Santana at kitang-kita sa kanyang mukha ang pinaghalong takot, kalungkutan, pagkabahala, ngunit may kaunting tapang. "Kailangan ko siyang pigilan.  Sobra na ang ginagawa niya."

        "Pigilan? bakit?  Ate wala kang magagawa para pigilan ang kampon ng kadiliman na yan."  Patuloy na hinila ni Sam si Santana.  "Hayaan mo na si Roman na kalabanin siya." Napatakip ng bibig si Sam dahil sa pagkakadulas ng bibig niya.

      Nagpumilit na kumawala si Santana hanggang sa mabitiwan siya ni Sam. "Anong sinabi mo? Si Roman si Noir?"

        Natigilan din si Sam sa nakitang reaksyon ni Santana.  Lalo kasi itong nabahala.

          "Ate, may alam ka?"

          Ngunit hindi na nakasagot si Santana nang makita nila na tinadtad ng saksak ni Eternel si Roman/Noir.

         "Hinde.." Namumugto ang mata ni Sam sa nasasaksihan.  Alalang-alala si Sam sa maaaring mangyari kay Roman.

       

           Sa puntong ito, napagpasyahan ni Santana na kailangan nang matapos ang kasamaan ni Eternel.

 

     "Mamamatay ka na ngayon... Noir."

       Sumugod na si Eternel na paniguradong hindi na maiiwasan ni Roman.  Gumuhit na ng pa-arko ang karet nitong tubog na sa dugo, patungo sa puso ni Roman....

           "Sam...  Patawarin mo sana ako." Sambit ni Santana bago tumakbo patungo kay Eternel.

          Hindi naman naintindihan ni Sam kung bakit niya nasabi ito.  Laking takot niya ng makitang tumakbo si Santana papunta sa direksyon ng dalawa.

           "Ate Tana? Ate, wag kang pupunta dyan?!  Ate!....

           ...Wag!!"

          Humarang si Santana sa pagitan nila para sana patigilin si Eternel, pero dahil sa hindi mapipigilang atake, siya ang nasaksak.  Dumeretso na ito at bumaon hanggang sa sinapupunan ni Santana.

The Phantom HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon