Noir. 00

827 20 5
                                    

The Phantom Hero.

A knight from the darkside.

* * *

          Anong silbi ng panunungkulan kung ang bawat mamamayang pinaglilingkuran ay walang ibang ginawa kundi sirain ang iyong panata?

         
           Anong silbi ng mga kamay na hindi man lang mapasunod sa idinidikta ng ulo na siya naman dapat masunod sa isang katawan?

           Anong silbi ng isang kawani na hindi kayang lunasan ang mga sakuna na kanilang namamataan ngunit hindi nila mapipigilan?

           Anong silbi ng pag-ibig na lagi na lamang hinuhusgahan, tinutuligsa, at hindi man lang pinaniniwalaan at pinagkakatiwalaan ang katapatan?

         
           Anung silbi ng pagsisikap kung hindi man lamang masuportahan, kilalanin, at iturin bilang kabayanihan?
  
 
            Anung silbi ng pamumuno sa isang bahay na ang bawat miyembro ng pamilya ay punong-puno ng kasakiman, pagkagahaman at katiwalian?

           Higit sa lahat. Anong silbi ng kapangyarihan na ang tingin ng nakararami ay pawag pinagmumulan ng kasamaan at kung hindi man lamang kayang iligtas ang buhay ng taong minamahal?

          At ano ang silbi ng mga ito kay Roman?. Wala.

         Hinayaan n'ya lang ang telebisyon na naka-bukas at pinagsisigawan ang mga balita tungkol sa pulitika, krimen, aksidente, mga buhay ng mga sikat na artista, mga pambato ng bansa sa larangan ng palakasan, mga paparating na bagyo, palitan ng currency, at pagbibilang ng araw sa pagdating christmas bonus, na halos paulit-ulit lang naman.

          Walang halaga para sa bansa ang magaganap na pagdiriwang sa gabing ito. Pero para sa kanya ay ito ang pinaka mahalagang gabi.

         Abala siya ngayon sa pag hahalungkat ng kanyang susuotin para sa pinaka importanteng gabi ng kanyang pinaka mamahal na si Rose.

         Tulad ng isang ordinaryong binatilyo na tinutubuan ng tigyawat sa magulong dahilan na inlove, ay inaanak s'ya ni Tupe. Kaya ganoon na lamang kung panabikan n'ya ang araw na ito kung saan may pagkakataon s'ya na malapitan, makausap, makasayaw, at matyansingan na din si Rose na matagal na n'yang ginagahasa sa panaginip n'ya at sa tuwing s'ya ay nasa bany-

         "Tama na!! Nasaan na ba kasi ang pesteng maskara na 'yan?!"

           Halos baliktarin na n'ya ang buong kwarto ng tinutuluyan n'yang appartment pero hindi n'ya makita ang kaisa-isahan niyang sandata iwas kahihiyan.

          Ang maskara na tatlong oras niya pinagpa-tawaran sa nagtitinda ng mga agimat sa Quiapo. Iyon na lang ang kulang para iturin niya ang sarili na mukhang engot.

        Naalala niya ang sinabi ng matandang nagtitinda.

         "Sisenta pesos huling tawad."

  
          Hindi iyan.

           "Sa gitna ng kadiliman mo lamang makikita ang tunay na liwanag."

    
          Huminahon siya, pumikit at nag-isip. Mula sa kailaliman ng kanyang isipan ay lumitaw ang dalawang pulang liwanag.

           Natakot siya kaya siya dumilat. Pero mas natakot siya nang makita ang sarili na nasa harap na ng salamin...

           At suot na ang itim na maskara na may pulang mata.

          Kasabay ng kanyang pangingilabot ay ang pagbalot ng mga anino sa buo niyang katawan.

           "A-aaahhh---uhmmp.."

           Hindi na niya magawang sumigaw dahil agad na kumapit ang itim na maskara sa kanyang mukha. Balot siya ng anino.

           Hindi na siya humihinga pero ramdam niya na tumitibok pa rin ang kanyang puso.

         Buhay pa siya. At dumadaloy sa buo niyang katawan ngayon ang walang katapusang kapangyarihan..

    
    

           Kung ang liwanag ay nagbibigay ng karimlan. Kadiliman ang maghahatid ng kaligtasan. Ang kamay na nagmumula sa dilim, ika'y pangangalagaan...

   
  
  
   
Author:

           Noir. (Nwar) means black in French.

          Pero hindi po ako gagamit ng French words or such, purely Pinoy po ito.

          Ito na po huling paalala ko sa mga readers na maging matured sana tayo sa pagbabasa nito. Hindi ko po rekomendado ito sa mga bata.

          Salamat po.



~TPH®KuyaRogz...

The Phantom HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon