Noir. 08

244 15 1
                                    

       

        GABI NG PAGDIRIWANG. Lahat ng mga bisita ay nasa kanilang magagarang kasuotan na may nag-gagandahang maskara.  Kumpleto sa terno ang mga kalalakihan na may mahahabang laylayan ang kanilang coat at sumbrero.  Samantalang ang mga kababaihan ay nasa kanilang pinaka mamahaling gown.    

          Sinadya ang Masquerade party na ito para sa kanilang bigating mga bisita tulad ng mga sikat na artista, pulitiko, mayayamang businessman, gayun na rin sa mga epesyal na bisita na ayaw na maglantad ng kanilang sarili sa publiko.  Akma rin ito sa mga bisita ni Rose na nakararamdam ng panliliit sa sarili dahil sa estado nila sa buhay kumpara sa mga mayayamang bisita ng kanyang ama at kapatid.

        Lingid sa kanilang kaalaman ay may ilang hindi inaasahang bisita din ang dadalo sa pagdiriwang ito.

         Sa malaking balkonahe ng mansion ay may ilang magkapareha ang nagsasayaw sa saliw ng isang romantikong musika.  Kasama na sina Christian at Alwina.  Ito na ang hinihintay ni Christian na pagkakataon para masabi ang kanyang nararamdaman para sa dalaga.

          "A-al..." Tumingin siya sa matapang na mata ng kasayaw.

          "Sir." Tugon ni Alwina na hindi nawawala ang pagiging opisyal sa kabila ng magara nitong kasuotan ngayon.

         "S-sabi k-ko, Chris na lang k-kapag uhmm... Di bale na nga.."

          "May sasabihin ka ba?  Sir."

         Sa loob ni Alwina, kung hindi niya tatawagin na may pag-galang si Christian ay lalo itong mawawalan ng lakas ng loob para magsalita.  Malakas ang loob ni Christian kapag nagsasalita siya na may awtoridad.  Sa ganitong paraan baka masabi ni Christian ang gusto niyang sabihin.

         Nagsimula nang bumukas ang bibig ni Christian kahit sobrang kinakabog ang dibdib.

           "Ang ganda ngayon.  Alam ba, nu'ng unang beses pa masilayan ang iyong ay may kakaibang kiti na ang aking nara.  Sa bawat na makasama ay lagi ko na pinagsal na sana ganito rin.  Isang maipaliwanag na damin na tila isang nagpapagla at nagpapkas sa akin.  At tila ilayo ka sa kapahamakan.  Pero alam ko panganib, kaya't....  bahhhaah.."

         Kunot naman na tumingin si Alwina.  Pilit iniintindi ang sinasabi ni Christian, pero wala talaga siyang maintindihan.

        Inalis niya ang pagkakapatong ng kanyang mga kamay sa balikat ni Christian at inilipat sa magkabilang pisngi nito.

        "So anu nga gusto mong sabihin?..  Chris."

         Nanlaki na lang ang mga mata ni Christian, na siya namang niliit ng kanyang mga dila.

     

         Sa balkonahe naman na tinatahak ng hagdan naroroon si Rose kasama ang bago nitong boyfriend, si Arnold.  Masaya nitong tinatanggap ang mga pagbati ng kanyang mga bisita, nakikipag beso sa mga babaeng kaibigan, pero ang mga lalake ay agad na hinaharang ng epal na si Arnold.

        "Hey, you don't have to do that!  They're my friends." Kumpronta niya kay Arnold.

      "But not my friends, so I don't trust them." Matigas na sagot ni Arnold.

       "You are so!" Gigil na panduduro ni Rose sa mukha ni Arnold na kumunot ang noo.

       "Anung 'you are so'?" Pagtataka ni Arnold.

The Phantom HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon